Chapter 15: Gusto

206 25 34
                                    

Rita's POV

Nang matapos akong maligo ay inihanda ko na ang gamit ko para mamaya.



Napapapikit ako habang inaayos ang bag ko."Grabe naman Ken Chan kailangan pa talagang kasama ako eh kaya mo naman gawin yun eh"bulong ko at napailing.


Nag paalam narin ako kay Gab at naiintindihan nya naman iyon at para sa kanya ang dahilan ay may dadate kami ng boss ko,apaka advance talaga nitong babaeng to mag dadate? eh hindi nya pa nga ako nililigawan......echos lang para namang liligawan ako.


Eh mahirap nga ako eh oo may pinag aralan  ako naging top 1 na ata ako sa klase ngunit sadyang ganto na talaga ang buhay ko pero hindi ko ito ikinahihiya.


"O sige na Gab alis na ako,hihintayin ko nalang si Ken sa labas"pag papaalam ko kay Gab ngunit hindi pa sya nakakasagot ay may biglang kunatok mula sa pintuan.



"Wait lang"sigaw ni Gab,siya na ang bumukas ng pintuan.


"Ashley?"gulat na wika ni Gab na may halong saya.


Yes si Ashley ang kanyang kapatid nagulat rin akong bumisita ito dahil malayo ito sa amin siguro pumunta sya dito upang sorpresahin si Gab at buti nalang dahil aalis ako hindi magiging malungkot ang kaibigan ko.



"Gabbbi!!"tili ni Ashley at niyakap ang kanyang kapatid.



Napangiti ako habang pinapanood silang dalawa ang saya saya nila sana nandito din si Kuya pero malabong mangyari iyon,malabong bisitahin nya ako dito,malabo.



Nabalik ako sa wisyo ng mag salita si Ashley hindi ko namalayan na nasa harap ko na ito."Huy Rita!!!"masayang banggit niya sabay yakap sa akin.



"Uy Ashley buti naman at napabisita ka dito at birthday pa ng kapatid mo sakto aalis din ako kaya may kasama na rin ito"sabi ko dito sabay tingin kay Gab at inakbayan.




"Ha? Bakit ka aalis sa pag kakaalam ko Day Off mo ngayon diba?"takang tanong ni Ashley,nakakainis kasi talaga tong si Ken eh tss.




Mag sasalita na sana ako ng may bumisina ng 2 beses agad kaming tatlong napatingin sa labas.




Napahilamos ako,oo nga pala si Ken argh"Oh sya sige alis na ako,andyan na ang boss ko"sabi ko sa kanila at dali daling nag lakad palabas.





"Uy Rita hindi pa tayo tapos mag usap"hirit ni Ashley,hayss mag kapatid talaga tong dalawang ito.





"Mamaya ko na ikukuwento bye"sabi ko sabay takbo.







Ken's POV

Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Rita kanina parin ako bumubusina ngunit walang Rita ang lumabas mula sa gate nito.



Bumusina ulit ako ng dalawang beses at may narinig akong sumisigaw na babae i'm sure si Rita na iyon.




Nang makita ko na siya ay agad itong pumasok sa likod ng aking sasakyan at agad kong ikinainis.



Nang pumasok ito ay nag salita ako"What?Rita gagawin mo na naman ba akong driver ha?"may diing banggit ko sa bawat salita na aking binigkas.




"Ay oo nga sorry Ken ikaw kasi eh"paninisi nito sakin at lumipat sa front seat.




"Oh saan ba tayo pupunta ha?"iritang sambit nito sabay tingin sa bintana.




"Sinabi ko nang sa Bataan"seryosong sabi ko dito at tinignan siya.





"Oh bakit ka sumeryoso di bagay sayo para kang mangangain ng tao baka kainin mo ko"sabi niya at halatang nagulat sa huling sinabi nito.



Our Forbidden LoveWhere stories live. Discover now