Mission 45: Bedridden

5.7K 134 2
                                    

Pumunta ako sa ospital kung saan nakaconfine pa rin si Terrence. Pumasok ako sa pinto at inilapag ang basket na may lamang prutas.

"My Knight! Nandito na ako!" Hinalikan ko sya sa noo at umupo sa tabi nya. Sabi ng doktor kahit unconcious sya makakatulong daw yung pakikipag-usap sa kanya.

Kaya kahit mukhang tanga na ako na nakikipag-usap ng walang namang sagot na natatanggap,tuloy pa rin ako. "Magsisimula na pala ulit ako sa service,kaya baka madalang na ako makakapunta dito,kasi balita ko may ibibigay daw na bagong project sa akin si Papa,pero wag kang mag-alala kasi hindi naman delikado yun!"

Ngumiti ako at hinawakan ang ang kamay nya at inilagay sa pisngi ko "Terrence ko hindi ka ba napapagod kakahiga dyan? Gumising ka na naman oh! Si Kuya Ryan ikinasal na at si Kuya Philip malapit na din! Ikaw? kaylan mo ako pakakasalan?"

Para kang tanga Alexis! Dapat masasayang bagay lang ang ikinikwento mo sa kanya! "Ah nga pala sina Paulo na pala at Dennise! Hindi ng ako makapaniwala eh! Dati inaasar ko lang silang dalawa tapos ngayon sila na talaga! Ang galing diba?" May naramdaman akong basa sa pisngi ko,luha ko pala hindi ko alam kung luha ba to ng saya o lungkot.

Days had passed..nasa batangas ako ngayon may bagong project kasing ibinigay sa akin si Papa,at yun ay ang hulihin ang mga taong may pasimuno ng plantang paggawaan ng ilegal na droga dito.

"Men stand by!" Sabi ko sa wireless microphone.

Pinalibutan namin ang planta at magbigay na ako ng go signal para pasukin ito. Pumasok na kami at..

"Hands Up! You are all arrested!" Sabi ko sabay tutok ng baril sa kanila. Agad naman silang nilipol ng mga kasamahang swat ko.

"Ma'am! Ito po ang sinasabing lider nila!" Hawak nila ang mga kamay ng isang lalaki. At iniharap ito sa akin.

"Ikaw pala ang lalaking sumisira sa libulibong buhay ng mga kabataan!"

"Wala kang ibidensya!"

"Sapat ng ibidensya ang plantang ito!"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon