Mission 36: Unfold Past

5.2K 130 2
                                    

Umakyat kami sa taas at pumasok sa isa sa mga kwarto doon. Sa bihis ng kwarto na to mukhang sa kanya ito. Kulay itim at puti ang pintura ng kwarto nya ganun din ang mga gamit na nasa loob.

"Hintayin nalang nating dumating si Kuya,sigurado ako parating na yun!"

Umupo ako sa sofa nya at may nakita akong picture frame sa table nya. Litrato ito ng isang babae.

"Terrence! Sya ba ang mama mo?" Umupo sya sa tabi ko at kinuha ang picture frame.

"Oo sya nga" Malungkot nya sabi.

"Pwedeng magtanong kung nasaan na sya?"

"Wala na sya"

"Ahh..magkasama na pala sila ni Mama sa heaven! Wag ka ng malungkot panigurado magkumare na sila dun!" Pagbibiro ko para kahit papano mapasaya sya.

"Hindi naman ako nalulungkot eh! Kasi kahit nawala ang babaeng mahalaga sa akin,may pumalit naman!" Nakangiti nyang sabi.

Tok! Tok! Tok!

"Sir! Dumating na po si Sir Kevin!"

"Sige salamat po manang!"

Bumaba na kami at nakita namin ang isang lalaking nakaupo sa couch,tumayo ito ng makita kaming papalapit sa kanya. Sa itsura nya mukhang mas matanda lang sya ng konti kay Terrence.

"Kuya! Si Alexis nga pala" hahawakan sana ni Terrence ang balikat nya pero umiwas ito,nadismaya naman si Terrence "Girlfriend ko!"

Ngumisi naman sa akin yung kuya nya ay inilahad ang kamay nito "Nice to meet you Alexis!" Tumugon naman ako sa pakikipagkamay nya.

"Nice to meet you too!" Nakangiti kong sabi,tumatagal na ang pakikipagkamay niya sa akin at hindi nya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Kaya tinignan ko si Terrence na agad rin namang kinuha ang kamay ko.

"That's enough brother,she's my girl" seryosong sabi niya.

"Haha! Chill brother! Nakikipagkamay lang ako,I'm just being nice to her!" Nakangising sabi nito.

"Don't fool me, you've already done that once" makahulugang sabi ni Terrence.

"I'm tired kaya hindi na kita papatulan, Alexis! Anong nangayari dyan sa braso mo?" Napansin nya yung nakabenda kong braso,maging ang Dad ni Terrence ay napansin din ito kanina.

"Ah ito? Naaksidente lang!" Pagpapalusot ko.

"Oh? I see.. Be careful next time ok? You won't be as lucky as now" sabi nya at tinignan ang kapatid nya bago umalis. Ano daw? Paalala ba yun o babala? Weird!

Tinignan ko si Terrence at masama pa rin ang mukha nya.

"Pasensya ka na sa kanya ha? Ganun lang talaga yun! Mas malala pa nga sya kapag ako ang kaharap nya eh!"

"Ganun ba talaga sya makitungo sayo?"

"Oo..ang totoo kasi nyan hindi lang naman dahil kay Sapphire kaya malayo ang loob namin sa isa't isa,may mas malalim pang na rason"

"Mas malalim pang rason? Ano naman yun?"

Dinala nya ako sa isang kwarto kung saan naroroon yung mga malalaking picture frame. Mayron doong family picture.

"Ikaw ba yan?,bakit iba ang mama mo dyan?"

"Si kuya Kevin yan at yung babaeng yan sya yun mama ni Kevin" mama ni Kevin?

"Bakit magkaiba kayo ng nanay?"

"Ang totoong asawa ni Dad ay ang mama ni Kevin at si Mama naman ay isang mistress ni Dad at ako ang naging bunga ng kasalanang yun!"

"Terrence.."

"Pagkatapos mawala ng mama ni Kuya,pinatira kami sa bahay na to ni Dad,noong una nga akala ko magiging magkasundo kami pero mali ako noon lagi nya akong sinusuntok o di kaya ilulublob sa inodoro kaya lagi syang napapagalitan ni Dad kaya mas lalo pa syang nagagalit sa akin" malungkot na kwento nya.

Wala akong masabing angkop na salita para pagaanin ang loob nya kaya niyakap ko nalang sya ng pagkahigpit-higpit sa kabila pala ng palangiti at masayahin nyang mukha,nakatago ang isang malungkot at fragile na tao. Sana may paraan para mabawasab ang sakit na nararamdaman nya.

       ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon