Mission 33: Encounter

5.2K 148 0
                                    

(Alex's POV)

Napadpad ako sa hallway ng stadium,wala sa wisyo akong naglalakad. May mali ba sa kalkulasyon ko? Ang akala ko sya,pero mali pala ako. Naalala ko yung nakita ko sa open stadium kanina,iniling iling ko nalang ang ulo ko ay pinilit kalimutan yun friendly kiss lang yun Alex,o di kaya'y congratualations kiss,yung lang yun Alex! Wala ng iba pa

Ilang saglit pa ay may nahagip na pamilyar na tao ang paningin ko. Naglalakad sya papalayo sa akin kaya sinundan ko sya at ng liliko na sya nakita ko ang makra ng ahas sa hoody na suot nya.

Nagulat ako ng bumunot sya ng baril at pinaputukan nya ako,mabuti nalang at agad akong nakaiwas. Umalingawngaw ang putok sa buong stadium at narinig ko ang sigawan ng mga estudyanteng naroroon.

Si Snake Head yun? Anong ginagawa nya dito? Binunot ko ang baril na nakatago sa likuran ko at agad na pinaputukan sya kaya tumakbo sya at sinundan ko naman sya,patuloy kaming nagpalitan ng putok hanggang sa natamaan ko sya sa braso dahilan para bumagal ang takbo nya.

Hanggang sa naabutan ko sya agad ko syang dinamba kaya natumba kaming dalawa. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakamaskarang itim sya at ng tatanggalin ko na ito tinulak nya ako at sinipa sa tiyan,napaupo ako sa sakit tatakbo na sa na sana sya ng patidin ko yung paa nya.

Kaya nadapasya pero agad din naman syang tumayo at pinulot yung baril nya,kaya inunahan ko na sya at sinipa ang kamay nya kaya nabitawan nya ito. Hindi ko makita yung baril ko kaya nakipagpalitan nalang ako suntok at sipa sa kanya.

Sa lakas at pangangatawan nya nakasisigurado akong lalaki sya. Nagkaroon ako ng pagkakataong makuha ang baril ko at itututok ko na sa kanya dapat ng pisilin nya ang braso ko. Napaaray at napaupo ako sa sakit,muli namang dumugo yung sugat ko.

Hindi ko namalayan na tumatakbo na si Snake Head kaya kinontak ko yung mga Agents gamit ang wireless microphone.

"Agent! Nandito Si Snake Head!!"

[Nagkaharap ba kayo? Nasaan ka ngayon Agent?]

"Nasa hallway ako,nakatakas sya!"

[Sige kami na ang bahala!]

Nawala na sa linya si Agent K,iniinda ko naman ang sakit ng sugat ko sa braso. Kinuha ko ang baril ko at sinubukang sundan si Snake Head.

(Terrence's POV)

Nakarinig kami ng magkakasunod na putok kaya nagpanic ang lahat hinanap ko naman si Alexis shit! Nasaan na ba sya? Hindi mahagilap ng mata ko si Alexis,aalis na sana ako para hanapin sya ng hawakan ni Sapphire ang braso ko.

"Where are you going?"

"Hahanapin ko si Alexis!"

"Please,stay here! I'm scared!" Pagmamakaawa nito.

"I'm sorry Sapphire but I really need to find her" inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at tumakbo na para hanapin si Alexis.

Hinanap ko sya sa buong stadium hanggang sa makita ko syang tumatakbo habang hawak-hawak yung duguan nyang braso at may hawak rin syang baril. Sya ba yung nagpaputok kanina?

"Alexis!" Tawag ko sa kanya. Napalingon naman sya at nanlaki ang mata nya ng makita nga ako.

"Te-Terrence?!" Gulat nyang sabi. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at tinignan ang dumudugo nyang braso.

"Anong nangyari? At bakit may baril kang hawak?"

"Saka ko na ipapaliwanag sayo,may kailangan kasi akong habulin!"

"Sino?"

"Si Snake Head!" Snake Head? Pag-uulit ko sa isip ko.

       ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon