Mission 26: Angela

6.2K 163 1
                                    

"Ready?" Tanong ni Terrence sa akin.

"Yes!" Masigla kong sagot. Kasi ngayon na ang labas ko sa ospital,sina papa nasa counter inaasikaso yung bills at release papers ko.

"Bunso! Tara na! Pwede ka na daw lumabas!" Sabi ni kuya Ryan.

Bumiyahe na kami nina Papa,kuya at Terrence papunta sa apartment ko. Ang weird lang kasi wala sina Paulo at Denisse,nangako pa naman sila sa akin na pupuntahan nila ako sa paglabas ko.

Nakita yata ni Terrence ang pagkabalisa ko kaya hinawakan nya yung kamay ko at nginitian ako na parang bang ipinapahiwatig nya namgiging ok din ang lahat. Yang ngiting yan ang nagpapagaan ng lahat ng bagay kapag nakikita ko yan,pakiramdam ko wala akong hindi magagawa.

Nakarating na kami sa apartment pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang malakas na hiyawan at welcome sign na nakalagay 'welcome back Alex' nakita ko sina Pau at Denisse at ang iba ko pang kaklase.

Linggo pala ngayon at walang pasok kaya pala nandito ang karamihan sa kanila.

"Welcome home Alex!"

"Salamat kayo ba ang may plano nito?"

"Nope,we are just a part of this plan mas mabuti siguro kung itanong mo dyan sa papa mo" Si Papa?

Pinuntahan ko si Papa at tinanong 
" Salamat dito pa ha!?"

"Ako? Hindi ako ang may idea nito,si Terrence ang nag-approach sa akin para gawin ang surprise party na to and at the same time nagpaalam sya sa akin na liligawan ka nya"

"And? Pumayag kayo?"

"Oo naman! Ang tagal ko ng gusto na magkaroon ka ng boyfriend eh! Atsaka nasayo naman yun kung magpapaligaw ka diba?"

Ito pala ang pinagkakaabalahan nya bukod sa notes kaya hindi nya ako nadalaw at mas nauna na pala syang nagsabi kay papa na liligawan nya ako. So kahit pumayag man ako o hindi nasabi na nya kay papa,shete! Pero sweet. Para mag-effort sya ng ganito para lang sa akin.

Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Terrence start na rin ng First day ng panliligaw nya sa akin pero di ko dama pano ba naman kung magbiro sya kagaya pa rin ng dati. May benda pa pala yung kanang balikat ko at may band aid pa ako sa pisngi.

"Alexis una na ako ha!? Take care!" Sabi nya atsaka tumakbo palayo,Alexis na ngayon ang tawag nya sa akin gusto nya daw kasi bukod tangi yung tawag nya sa akin. Weird!

Hinanap ko kaagad sina Pau at Denisse. Una konv nakita si Paulo na nasa open field ng school,tinawag ko sya pero mukhang hindi nya ako narinig kaya nilapitan ko nalang sya.

"Mala-anghel talaga ang mukha ni Angela!" Sabi nya mag-isa.

Angela? Sinong Angela? Yun ba yung crush na sinasabi nya? Hmm.. I smell something flirty!

"Hoy! Laway mo tumulo!" Sabi ko sabay tapik sa balikat nya.

"A-Alex? Anong ginagawa mo dito?"

"Obvious ba? Hinahanap kayo! Anong ginagawa mo dyan?"

"W-wala!" Pagmamaang maangan nya habang nangangamatis yung mukha nya.

"Sus wala daw! Eh kanina lang sabi mo Mala-anghel talaga ang mukha ni Angela!" Sabi ko at ginagaya ko sya kanina.

"Sshhh! Wag kang maingay Alex!" Sabi nya sabay takip sa bibig ko,inalis ko naman agad yung kamay nya.

"Sabihin mo na kasi kung sino si Angela!"

"Oo na! Sasabihin na!" Yun! Haha! I win again! *evil grin*

       ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon