Mission 31: Mine only Mine

6.1K 149 1
                                    

Sabay na kaming umuwi ni Alexis pagkatapos ng pag-uusap na yun sana naman wala ng maging problema sa pagitan nilang dalawa. Mahal na mahal ko sya at di na baleng ako nalang ang masaktan wag lang sya..

(Alex's POV)

Days had passed marami-rami na rin ang nangyari sa amin,sa kaso ni kuya mukhang may makukuha na kaming matibay na lead hinihintay ko nalang yung development sa pinapagawa ko kay Agent Ronna.

Kami ni Terrence,maayos naman tuloy parin ang panliligaw nya sa akin at yung si Sapphire? Ayun nakakairita pa rin although sinabi sa akin ni Terrence na wala ng issue sa kanila,sa tingin ko meron pa rin para kay Terrence siguro wala pero para kay Sapphire meron parin.

She want Terrence back! Pero hinahayaan ko nalang at pinapapasensyahan,pinanghahawakan ko kasi yung sinabi ni Terrence nung araw na yun. Ok lang yan Alex! Tiistiis lang muna,kapag naubusan ng pasensya..alam na! Bumili sa panaderya! :D

"Settle down class!" Sigaw ng Prof namin. Agad naman na nagsiayos ng upo yung mga kaklase ko. "I have an annoucement to make, this week we will be having a tournament!"

"Ha? Tournament daw?"

"Ano naman kaya yun?"

Kanya kanyang bulungan ang mga kaklase ko ako naman tumingin kay Terrence at ngumiti lang sya sa akin dahil agad na kinuha ni Sapphire yung atensyon nya. Psh! Pakasaya ka,pasalamat ka lang talaga may pasensya pa ako kundi kanina pa kita binuntal!

"Shh!! Class quite! Listen,our school were having a Archery tournament,so i assume that you will participate well..now who wants to represent in this section for that particular competition?"

Walang naglakas loob na nagtaas maliban sa isa..walang iba kundi si Sapphire. Gaya ng inaasahan ko,sabi ko na nga ba magpepresinta sya.

"I'll do it ma'am!" Sabi nya sabay tayo at pacute sa lahat.

"Are you sure that you will win in that tournament Ms. Castillo?"

"But of course Ma'am! For your information I win 10 gold medals, and 9 silver medals in the international archery tounament! And i'm quite confident on my skills and talent!" Pagmamayabang nito habang nakataas ang noo.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon