CHAPTER 16

3.3K 45 1
                                    


"Lisa bakit parang maingay sa labas?" tanong ko sa isa sa mga kawani sa Saccharine.

"Ah yun po ba ate? May model po kasi tayong costumer, maraming nakakilala sa kanya kaya nagpapapicture po." Inilapag niya ang baso ng tubig sa aking lamesa.

"Maganda ate yung model, pagpasok nga lang nya kanina agad nakakuha na sya ng pansin sa mga ibang costumers. Pero ate kung hindi ka lang buntis kaya mong makipagsabayan dun sa babae." Nakangiting kwento nito habang inaayos lahat ng mga kalat sa lamesa.

"Naks, nambola ka pa." Natatawa kong turan.

"Mabuti na yun, nakikilala na tayo. Pati mga sikat nalalaman na ang store natin." Natutuwa kong palatak. Swerte talaga ang baby ko kasi habang tumatagal lalong nakikilala ang Saccharine, lagi nauubos ang mga sweet delicacies na binebenta namin, kung minsan ay out of stock pa.

Nakarinig kami ng katok sa pinto, bahagyang nabuksan ito at lumusot ang ulo ng isa pang tauhan ng store.

"Hi ate." Masaya ang ngiti niya sa akin. "Uy Lisa tayo nang magpapicture kay Miss Cardone, wala ng masyadong tao." Tila kinikilig pang sambit ni Faith.

"Miss Cardone?" nakakunot kong tanong, narinig ko na ang apelyidong yun ah. Hindi ko lang maisip kung bakit parang kilala ko na yung sinasabi nilang model.

"Ate, puntahan na muna namin sya para naman i-post natin sa facebook page ng Saccharine, panigurado makakaakit ng costumers yun." Malawak ang ngiti ni Lisa na tila humihingi ng permiso.

Naiiling at nangingiti na lang ako sa mga dalagang kasama ko. Tila mga teenager na ngayon lang makakakita ng sikat.

"Go girls" sumasang-ayon kong tugon.

Mabilis na tinungo ni Lisa ang pinto at tila kinikilig na nakikipagharutan kay Faith.

Pamilya na ang turingan namin dito sa Saccharine. Itinuring na nila akong hindi iba sa kanila kaya naman hanggat makakaya ko bilang kanilang employer ay nag iisip din ako ng mga bagay na makakatulong sa bawat kawani ng store.

Nung nalaman nila na buntis ako ay wala akong narinig mula sa kanila, hindi dahil kailangan kong mag explain or iklaro ang sarili ko. Para lamang nakarinig sila ng pangkaraniwang balita at hinayaan na lamang ako. Hindi ko nakitaan ang bawat isa rito ng mapanuring mga mata o pagkaawa sa akin.

Isa sa mga reason kaya mahal ko ang store na pinundar ng aking mga magulang ay sa kadahilanan na ang mga tauhan rito ay mapagkakatiwalaan at pamilya ang turingan.

"Ate Aera!" nagulat ako sa malakas at mabilis na katok sa aking pinto. Humuhingal na pumasok si Lisa na tila ba hinahabol ng multo ang itsura.

"Bakit Lisa? Napano ka?" napatayo ako sa pagkakaupo sa aking swivel chair. Medyo nai-stress na ako sa itsura niya, parang may masamang nangyari.

"Eh ate, pwede daw po bang magtago dito sa office nyo si Miss Cardone? Nahabol po kasi sya ng mga paparazzi dito sa store." Napapakamot ang ulo ni Lisa. Nakita nya siguro sa aking itsura ang pag-aalala.

"Lisa, sa susunod nga huwag mo akong binibigla. Alam mo namang buntis ako." Napabuntong hininga ako sa kanya, 

"Sorry ate, mukha kasing kawawa si Miss Cardone, hindi niya alam kung saan siya magtatago. Nakakahiya naman kung sa CR namin siya itatago." Mahabang explanation ni Lisa.

Fan nga yata talaga ni Miss Cardone tong si Lisa, halata ang concern siya sa model. Bakit ba kasi hinahabol siya ng paparazzi? May issue ba siyang tinatago? O baka naman talagang sikat yung model na yun at gustong malaman ng madla ang mga activities niya sa buhay. Muli humugot ako ng malalim na buntong hininga.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now