CHAPTER 15

3.5K 42 0
                                    


"Tangna naman Nero! Wala naman akong kasalanan sa iyo ah!" sabay kong itinapon sa kaniya ang magazine kung saan nafeature kaming dalawa ni Luna bilang magkarelasyon.

"Anong kasalanan ko dyan? Malay ko bang malikot ang imaginations ng mga writers namin." Natatawang asar pa ng gag0 sa akin. Siya lang naman kasi ang may-ari ng Spinster's Magz!

"Ang dami dami ko ng problemang gag0 ka!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Konti na lang masusuntok ko na siya sa mukha. Humalakhak pa ang gag0 pati na rin si Kaide. Tuwang tuwa talaga ang mga ito kapag nakikita akong nahihirapan.

"Ang ingay nyo!" iritableng asik ni Monti.

"Problema mo?" nagtatakang tanong ni Kaide kay Monti.

Monti raise his middle finger.

"Uy Del Mundo, musta si Miss Beautiful?" nang aasar na si Kaide

"Kung sinabi mo na sana sa amin kung saang lupalop ng Pilipinas mo inihatid c Lucie, dina sana kami nagpapakahirap maghanap!" pagod ang itsura ni Luna at pabagsak na umupo sa couch. Narinig namin na tumawa ng mahina si Nero.

"Isa ka pang bwisit ka! Sabi ko I-navigate mo yung flight ni Kaide nun, hindi ka kumikilos dyan!" asik pang sambit ni Luna kay Nero.

"Ang hirap maghanap ng tao na kilala mo lang sa pangalang "Lucillia" ang daming may pangalang ganun dito sa Pinas!" patuloy na reklamo ng aming reyna at matalim niya akong tinitigan.

Sabay sabay lang nagtawanan ang mga gunggong! Halata naman na ayaw nila kaming tulungan.

Natatandaan ko pa noong araw na mahanap nila ako at isinama pabalik ng head quarters.


"He's waiting." Sabay tapik sa akin ni Monti sa balikat, nilingon ko nang bahagya ang mga kabalyero, hindi sila umiimik, pinapanuod lang nila ang itsura ko. Sabay-sabay pa silang tumalikod at iniwan akong mag-isa. Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang pintuan.

Kakausapin daw ako ng hari. Masyado pa yata akong espesyal at pinasundo pa ako sa isla. Putragis naman, ito naba ang parusa ko sa nagawa ko sa reyna?

Inilapat ko sa scanner ang aking palad, nang magread ito at inaccept ng computer ay agad na nabuksan ang pintuan. Nilingon kong muli ang mga kasama ko sa aking likuran nunit wala na sila. Napabuntong hininga ulit ako.

Tuwing papasok ako sa opisina niya ay tila binabalot ng takot ang dibdib ko. Malamig at maluwang ang silid na ito. Pagkabungad mo pa lang sa loob ay makikita mo na ang mahabang pa-oblong na hugis ng lamesa, it's a twenty seater table.

"How are you Del Mundo?" tila kulog at napakalamig ng boses ng aming hari. Tuwid ang mga mata niya na nakatunghay sa akin. Nakapangalumbaba siya na medyo nakahilig ang mukha.

"Sit" he commands.

Nakipagsukatan din ako ng titig sa kanya. Ang alam ko, ginawa ko lang ang utos sa akin ng nakatataas. Hindi ko yun sinadya kaya sana naman maintindihan ako ng aking hari. Umupo ako sa pinakadulo, katapat sa aming hari.

Nagdilim ang paligid, pero kita ko pa rin siya. He looks calm but there's a fire in his eyes. Nakita kong bumukas ang isang monitor na kasing laki ng blackboard na katulad ng sa loob ng silid aralan.

Muli kong sinulyapan ang aming hari, hindi pa rin siya natitinag sa pagtitig sa akin. Mabilis din akong napabaling ng tingin sa monitor nang makarinig ako ng mga hagupit ng latigo at tila unggol ng isang taong nasasaktan.

Nakita ko sa monitor ang isang record video. Mukhang kuha ito sa loob ng cctv ng head quarters.

Nakikita ko sa video ang apat na Suppremos na nakatayo at tila may pinapanood. Naroon din ang isa sa mga mananabas, may hawak itong latigo at walang awang hinahampas sa likuran ng isang taong pinaparusahan. Babae? Babae ang kanilang sinasaktan! Ganoon na ba kagag0 ang mga suppremos at pati babae ay pinaparusahan ng ganun katindi?

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now