CHAPTER 13

3.8K 42 0
                                    


"I'll take you home Miss Lucie. Tara na." malamig ang baritonong boses nung Kaide ang pangalan, bigla na lang siyang pumasok sa kwarto.

"Nasaan si Marko? Hindi ako sasama sa iyo kung hindi ko siya kasama." Sinamahan ako ni Marko kanina dito sa kaniyang silid, pinapalitan ang suot kong damit. Pagkatapos ay umalis muli para kausapin ang mga bisita nito.

I heard him sighed. He smirked at me habang kinakati ang dulo ng kilay nito.

"Wala akong gagawing masama sa iyo Miss, don't worry. Babalikan ka naman ni Del Mundo after nang assignment niya. Believe me." nakangiti na sa akin ang lalaking may hikaw sa tenga.

Tinitigan ko lang siya, pinag-aaralan kung nagsasabi siya ng totoo. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa kaniya, nag-aalala lang ako dahil maiiwan dito si Marko.

"Anong assignment?"

Nakita ko na naman siyang bumuntong hininga, mukhang nakukulitan na siya sa akin. Seryoso ang mga mata niyang tumitig sa akin.

"We are all assasins, we kill bad guys." May pinipigilang ngiti sa gilid ng kaniyang labi.

Napairap na lang ako sa kanya. Hirap na hirap ang kalooban ko tapos ganito pa kaloko ang kausap kong to. Wala na talagang pag-asa sina Marko at mga kaibigan niya, pare-pareho yata talaga silang di normal. May mga tama sa utak.

Assassin mo mukha mo! Ang yaman yaman ni Marko para maging ganun! Baliw!

"Gusto ko munang makausap si Marko." I demanded

"Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo ito?" kinakati kati pa niya ang kaniyang ulo. May kuto lang?

"I want to talk to Marko." Seryoso kong utos sa kaniya.

"They left us already. The group needs him, so my friends and your Marko is not here anymore, Miss Beautiful." Tamad ang itsura nitong nagpapaliwanag.

Napatayo ako sa aking kinauupuan. No way! Marko would not going to leave me here alone! Nangako pa nga siya na isasama niya ako kapag natapos na ang bakasyon namin rito sa isla. I can't believe this!

Mabilis ang mga paa ko na tinungo ang sala, walang tao roon, lumipat ako sa kusina ngunit gaya nang sa sala ay wala ring tao. Hindi ko makita sina Marko at mga kaibigan niya. Mabilis ko ring tinungo ang veranda, walang tao, kahit nang libutin ko nang tingin ang buong isla ay wala ni anino ni Marko.

Nanghihina kong pinagmasdan ang dagat.

Bakit iniwan ako ni Marko?

-----------------------------------------------------------

"Maam Aera, ito po yung last week report." Sabay abot sa akin ng isa sa mga tauhan ng Saccharine.

Wala sa sariling iniabot ko ang folder, sabay labas nito sa aking opisina. Kahapon pa ako nakauwi, kahapon ko pa hinihintay si Marko. Sabi ni Kaide ay babalikan niya ako. Nakakainis!

Hindi ko nga alam kung kanino ako maiinis, kay Marko ba dahil wala siyang paalam na iniwan ako sa isla o sa mga kaibigan nito na silang naging dahilan kaya biglaan ang aming pag-alis sa isla.

Binuklat buklat ko ang folder at inisa isa ang mga pahina nito. Naasar kong ibinagsak sa aking lamesa ang folder at nabubwisit na napakamot ng ulo. Wala akong maintindihan sa binasa ko! Napufrustrate ako!

Ano ba Aera? Tapos na yung plano mo! Bakit feeling girlfriend ka na iniwan basta basta! Wake up girl! That was just a week of pleasure!

"Oh nakabusangot ka dyan?" nagitlang sambit ni Meda, hindi ko kasi nasabi sa kaniya na dumating na ako. Kita sa mukha niya ang gulat nang makita akong nakaupo dito sa loob ng opisina.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now