CHAPTER 3

4.9K 44 0
                                    

"He's a fvcking millionaire! He owns chains of companies who supply car parts to those famous brands of automobiles here and abroad."

"He is also part on facilitating the sale of auto parts on military aircraft and automobiles' to our government and other Asian countries.

"He own lots of beach properties, houses and condos. Mahilig din siya sa mga resorts. Nasa dalawampu na ang mga resort na pagmamay-ari nito sa buong bansa. Meron din siyang resort sa Indonesia. Mahilig din siya sa drag racing. Sports minded kind of person din tong si Del Mundo.

"He is a certified playboy. Ayon sa napag alaman ko ang last na naka fling ng lokong ito ay top model ng sikat na womens underwear's. Hindi nagtatagal ang mga babaeng nakakarelasyon niya. Balita pa na siya ang laging nagpapaiyak sa mga babae.''

"Pero kahit na alam na ng madla na isa siyang babaero, mas dumarami ang mga babaeng naghahabol at gustong gusto na magpakama sa kanya. I wonder why? Hhhmmmm mukhang magaling sa kama si fafa!" ang humihingal na paliwanag ni Meda sa akin.

Daig pa nito ang isang estudyante na nagbibigay ng report sa loob ng klase.

"Ano naman ang mga gusto nya sa isang babae?" I asked her.

"Well ayon sa aking nakalap, halos ang mga nakarelasyon niya ay magaganda, sexy, mayayaman or mga sikat."

Bumagsak ang aking mga balikat!

"Hindi ako sikat! Hindi rin mayaman!" I frowned.

"Maganda ka naman at sexy! Pasado ka na nun bff, huwag mong minamaliit yang sarili mo! Hindi rin naman maliit yang hinaharap mo!" tumatawa pa nitong saad.

"Ano pa?"

"Well, weekdays nasa opisina sya. May mga instances na nagpupunta sya sa abroad para sa mga negosyo nya dun. Every weekends naman kung wala siya sa kaniyang mansion ay naglalamyerda ito sa kung saan niya maisipang magpunta na resort niya."

"Sometimes nagpupunta ito sa bar at nagkaclubbing. Fave bar nya yung Macho's Locos."

"Hindi ba talaga kayo hihinto sa kalokohan ninyong yan!"

Sabay kaming napalingon sa may pintuan ng aking opisina. Nakita namin ni Meda na nakataas ang kilay ni Issa at mukhang manenermon na naman.

"Hep! Bago ka manermon, ano muna ginagawa mo dito?" tanong ni Meda

"Naisipan kong kumain ng cake! Masama ba? And I'm so tired" malungkot nitong saad.

"You've could just call at ipapadeliver ko sa clinic mo." I answered

"Ouchhh! Bakit ba parang ayaw ninyo akong kasama?"

"Ayaw lang namin na nasesermunan mo!" exaggerated si Meda

"So, who's the lucky guy that will ruin your virginity?"

"Marko Antonio Del Mundo." Meda respond

"I think he is part of the circle where my husband is. Sayang kung close lang kami ni hubby." She chuckled.

Yeah, Issa is married. After graduation pinakasal na siya ng kanyang mga magulang sa isang mayamang businessman. It was an arrange marriage. Uso pa talaga yun no! lalo na sa mayayaman.

Sa aming tatlo, si Issa ang may sinasabi sa buhay. Parehong doctor ang mga magulang nito, ang kaniyang kuya ang siyang pinakabatang mayor sa kanilang bayan at ang ate naman nito ay nasa Australia with her husband.

Hindi namin alam bakit biglaan ang pagpapakasal nito, sinabi lang niya na it was an arrange marriage. At sa loob ng apat na taon, napilitan ang dalawa na magsama.

That One Week of PleasureWhere stories live. Discover now