Chapter 67: THE LAST BATTLE

Magsimula sa umpisa
                                    

Napayuko si Lyra habang tumatakbo ng may magpaputok ng baril sa direksyon nnya. Agad syang lumiko sa isang kanto kung saan may naghihintay din sa kanya.

Itinaas ni Lyra ang dalawang kamay at iniharang sa katawan saka tumalon sa bintana sa kaliwa nya bago pa sya malapitan ng mga tao na nasa harapan nya.

Nagmulat ng mata si Lyra at napansin na wala pala syang babagsakan kung hindi ang pinakasemento sa baba kung saan paniguradong patay sya.

"Oh shit!"

Agad na inilapit ni Lyra ang katawan sa pader at naghanap ng makakapitan pero dumudulas ang kamay nya. Napatigil lang sya ng mapahawak sya sa isang sirang emergency ladder na malapit na ding bumagsak.

"Hindi talaga kami close ni kamatayan..."

Itinulak pataas ni Lyra ang sarili para makaakyat sa isa pang mga bintana kung saan naandoon din ang ilang gangsters at underlings nila na naglalaban-laban.

Sinuntok ni Lyra ang isa na humarang sa dinadaanan nito habang nananatili parin ang bilis sa pagtakbo. Napatigil si Lyra sa pagakyat uli sa hagdan ng may sumalubong na naman sa kanya.

"Anak ng tokya, pagod na ako sa habulan ha..."

Humawak si Lyra sa railings ng hagdan at mula sa kinatatayuan nito at tumalon sya papunta sa ibabang palapag. Nagbend si Lyra ng hampasin sya ng isa na may hawak na armalite para iwasan ito saka humawak ulit sa railings at tumalon ulit sa kasunod pang palapag.

"Aray! Aray! Aray!"

Napatalon ito sa kinatatayuan nya ng pagbagsak ni Lyra ay mabagsakan ito ng kahoy sa paa. Inalis nito ang kahoy at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Yaahhh!!"

Isang may hawak na bakal ang sumugod kay Lyra mula sa labas, hinawakan naman nito ang pinto at inihampas ito sa lalaking sumugod sa kanya.

"Timepers, hinihingal ako..."

Kanina pa sya tumatakbo at iniiwasan ang mga ito at kanina parin sya napapagod. Nararamdaman na din nya ang pagpatak ng pawis nya at pagguhit nito sa mukha ni Bloody Maria isama pa na may sugat sya sa balikat.

Pero mukhang imposible talagang makapagpahinga sya, dahil sa sandaling iyon, nagsidatingan na naman ang mga kalaban nito.

Tumalon ulit si Lyra sa may hagdan at tumapak sa pader para iwasan ang mga ito. Nang wala na syang mapuntahan at macorner ng mga kalaban nya, binasag ni Lyra ang bintana sa likod at tumalon ulit dito.

Mabuti na lamang at rooftop sa kabilang bahagi ng lugar ang binagsakan nya. Napagulong pa sya palayo bago ulit tumayo at tumakbo.

Umikot si Lyra at sinipa ang mga nagkalat na bato sa rooftop, tinamaan naman nito ang ilang humahabol sa kanya. Mabilis nyang tinungo ang hagdan pababa, isang lalaki ang may hawak na kutsilyo ang sumunod sa kanya.

Tinalon ni Lyra ang kabilang railings at bumaliktad, tumalon din naman ang lalaking humabol dito pero hindi sya umabot sa railings na tinalunan din ni Lyra. Umikot ang ilan sa mga ito at bumababa ulit para dumaan sa kabilang direksyon habang ang iba ay pilit na sinundan si Lyra.

Tumigil saglit ito sa pagtakbo at hinarap ang ilan na humahabol parin sa kanya. Yumuko at nagtago si Lyra sa ilalim ng mga bakal na support ng lugar at saka hinila ang paa ng isa sa mga humahabol dito.

Nang makalabas ay saglit na binitawan ni Lyra ang katana at humawak sa pole. Umikot sya dito at sinipa ang kasunod nya bago binalikan ang katana at tumakbo ulit.

Napatingin si Lyra sa unahan nya, nasa itaas lang si Ophiuchus at katulad nya, patuloy din ang pagtakbo nito. Bumukas ang pintuan sa may rooftop pero sinipa ito ni Lyra para sumara bago paman makalabas ang isa pa sa mga tauhan ni Kneel.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon