APOSTLE THIRTEEN SPECIAL

160K 4.2K 2.9K

THIRD PERSON POV


"Sigurado ba kayo dito?"

"Nandito na tayo saka pa ba aatras..."

"Kapag nahuli tayo..."

"Hindi tayo mahuhuli kung walang magsasalita..."

"Ang ingay nyong dalawa..."

"Dyan na lang..."


Mabilis ngunit tahimik silang bumaba ng sasakyan at pagkatapos ay tumuntong sa ibabaw nito para makasilip sa kabila ng pader. Hindi naman ganun kataas ito at isabay pa na dilaw na hummer ang gamit nilang sasakyan kaso nga lang, masyadong mahigpit ang bantay sa lugar.

It's been 16 years ng i-declare na restricted ang buong lugar. Kung ano-anong kwento ang kumakalat kung bakit ito ipinasara. May namatay daw doon at nagmumulto, may nakatira dito na mga lamang lupa o mga ibang nilalang, nakakulong dito ang mga zombies at iba pa. Pero sa kabila ng lahat ng ito, wala talagang nakakaalam ng totoong pangyayari.

Sa kabila ng mga dahilang nabanggit, may ilang tao na nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit ipinasara ang buong lugar.

"Dito naganap ang huling gang war ng mga Apostles hindi ba?"

Nakadungaw ito at pilit na sumisilip sa kabila ng pader. Nakatingkayad na ang paa nito para masilip lang ang kabila. Madilim at walang ilaw isama pa na medyo umaalingasaw ang mabahong amoy sa paligid.

Tumuon sya sa ibabaw ng pader at iniangat ang sarili para makasampa dito. Medyo nahirapan syang humakbang dahil sa liit ng mga paa nito.

"Teka, anong gagawin mo?"

"Walang thrill kung dito lang tayo"

"Ang usapan natin, sisilip lang tayo hindi papasok..."

Kinakabahan na hinila nya ang kasama pababa. Sumama sya sa magkapatid para bantayan ang mga ito hindi para makisama sa gulo nila. Alam nya na mahilig talaga sa mga ganitong gulo ang dalawa at hindi nya maiaalis sa sarili ang hindi mag-alala.

"Talaga? Eh anong ginagawa ni Kuya doon?"

Napatingin sila sa kabilang bahagi ng pader at nakita ang isa pa na nakatawid na din dito. Medyo may kahabaan ang buhok nito at nakapusod sa dulo para hindi humarang sa mukha nya.

"Pasaway talaga ang dalawang ito..."

Wala na syang nagawa kung hindi ang mapatapik na lang sa mukha. Kahit ano pa ang sabihin nya o ipangaral sa mga ito, sigurado naman na hindi sila makikinig. Bahala na lang kung papaano sila papagalitan mamaya kapag umuwi sila.

Iyun ay kung makakauwi nga sila.

Ang lamig ng paligid at kahit wala ng dugo sa lugar, naaamoy mo parin ito. Parang navi-visualize nila ang mga bangkay na nasa paligid, ang mga kaluluwa na patuloy na sumisigaw, ang putok ng baril at mga sigawan.

Binuksan nito ang flashlight at pinailawan ang paligid. Isang abandonadong gusali ang sumalubong sa kanila. Malinis at walang gulo o kalat pero parang mararamdaman mo ang presensya ng mga pangyayari labing anim na taon na ang nakakalipas.

"Dito dali!" bulong ng babae na sinundan naman ng dalawa.

"Dito namatay si Ophiuchus, sabi nila, basag daw ang mukha nito at may tama ng bala sa ulo. Lumuwa pa ang mata nya..." pagkwekwento nito.

"Wag mong sabihin na naniniwala ka doon?" tanong ng kapatid nito.

"Pero sabi nila, heart attack daw ang ikinamatay nya..." saad naman ng pinsan nila.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!