Chapter 17: BROMANCE?

159K 2.8K 1.1K
                                    

Chapter Seventeen: BROMANCE?

AMBER POV

Plak!

Napatingin ako sa bubog sa sahig mula sa nabasag na baso. Ilang araw na akong nakakaramdam ng ganito, kinakabahan ako at isang tao lang lagi ang naiisip ko.

“Klio”

Hindi ko alam kung anon g nangyari sa kanya, knowing Kyle sigurado akong papahirapan nya si Klio pero sana naman huwag humantong sa point na papatayin nya ito.

Sa kaso ni Klio, sigurado akong death penalty or life imprisonment lang ang ihahatol sa kanya, pero dahil sa kahuhuli palang sa kanya… hindi agad maipapataw yon kaya mayroon pa kaming chance.

Pero kahit na ganon, hindi ko paring maiwasang hindi mag-alala… kinakabahan talaga ako.

Napalingon ako sa may sala ng bumukas ang pintuan at pumasok si Akagi at Christine, kasunod si Lyra.

“LYRA!”

“Anak ka sa ginapitang kabayo!”

Mukhang nabigla ko sya sa bigla kong pagsigaw at paglapit sa kanya, maging yung dalawa din ay nagulat sa nangyari.

“Problema nyo?”

Halat kasi na nagulat ang lahat pero mas iba ang expression ni Christine sa amin.

“Ngayon ko lang ulit narinig ang salitang yan…” saka ito ngumiti.

“Ah, throwback…” walang kabuhay buhay na sagot ni Lyra at saka naglakad papunta  sa kwarto nya.

Agad naman akong sumunod sa kanya at pinigilan sya sa kamay.

“Lyra… about Klio, nag-aalala na ako… Tell me what’s going on?”

Wala na akong narinig s akanya about kay Klio after ng mga nangyari, hindi ko alam kung naglilihim lang ba sya sa akin o wala naman talaga syang ginagawa. Ayokong isipin na inabandona na nya ang kapatid nya.

Tinanggal nya lang ang kamay ko at patuloy na naglakad sa kwarto nya, sinundan ko parin sya kahit na mukhang wala sya sa mood makipagusap.

“Lyra si Klio…”

“Hindi ko alam, ok!”

Nagulat ako sa pagsigaw nya pero kahit ganun, pinilit ko parin syang  titigan. Anong hindi nya alam? Alam ko may plano sya, alam ko napredict nya ang bagay na ito kaya imposible na hindi nya alam.

“Lyra, please…”

“Pwede ba kahit ngayon lang, patahimik nyo muna ang mundo ko… ngayon lang”

Tinitigan ako ni Lyra, bakit ganun... parang may kakaiba sa kanya sa araw na ito, parang may nangyari na hindi nya inaasahan.

Malakas na isinara ni Lyra ang pinto sa kwarto nya habang kami ay naiwan sa labas. Lumapit ako kina Christine na parang wala lang ang nangyari sa kanila.

“Anong nangyari doon?”

Nagkibit balikat lang silang dalawa, bumalik na si Akagi sa pwesto nito habang si Christine naman ay naupo sa sofa.

“About Klio, alam ko na hindi mo maiiwasang hindi mag-alala sa kanya but then, please trust Lyra. Minsan kahit ako hindi ko din maintindihan ang reasoning nya pero sa huli, sya parin ang tama. S atingin mo ba, papabayaan nya talaga si Klio?”

Yeah, may point sya sa bagay na yun…

“Parang kapatid na ni Lyra si Aries kaya magtiwala ka lang sa kanya…”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon