Chapter 62: AS ONE

99.4K 2.6K 847
                                    

Chapter Sixty Two: AS ONE

HOSPITAL

AZALEIA POV

“I can’t believe na ginagawa mo ito…”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tiffa habang papasok kami sa hospital. Ilang lingo ko na din dinadalaw si Danica, after na makalabas si Pamela sa hospital.

“I mean, girl… are you stupid?”

I promised Jireh na ako muna ang bahala sa kanila habang magulo pa ang lahat, hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan nila pero sigurado ako na para yun sa lahat.

At alam ko din na may kinalaman doon si Caleb.

“Look who is here…” bumungad sa amin si Pamela, kasama pa yung dalawa nyang kaibigan.

“Actually, it’s are…” saka nagpakita si Tiffa sa kanila.

“Nandyan ka pala, hindi ka kasi namin napansin. Kamuka mo na kasi yang semento na tinatapakan mo…” si Tine.

“Look, nagpunta kami dito hindi para manggulo…”

“Ganun naman pala eh, so makakaalis na kayo...” si Pamela.

Napangiti lang naman sa likod nila si Gelynna, what more do you expect, eh sya lang naman ang tahimik  sa mga ito.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta na ako sa kwarto ni Danica, sumabay naman sa akin si Pamela at parang nakikipagunahan pa.

“Pwede ba, wag ka ngang epal” saad nito.

“Tell that to your brother, hinabilin nya kayo sa akin…”

Sabay pa kaming napahawak sa doorknob at pilit na binubuksan ito habang tinutulak ang isat-isa.

“Tumabi ka nga,  hindi naman ikaw ang kaibigan dito…”

“I’m just doing my job as the guardian”

Nanatili naman sa likod naming yung tatlo, dapat tinutulungin ako ni Tiffa ngayon eh.

“Excuse me, bawal po ang maingay dito” sabi nung attendee na nurse.

“WAG KANG MANGEELAM DITO!!!” sabay pa naming tugon ni Pam.

Humarap ulit ako kay Pamela at dun sa mga kaibigan nya. Parang hindi naman naaccidente itong si Pamela dahil hanggang ngayon, hindi naman lumiliit ang sungay nya.

Magsasalita pa sana ako ng may mga guards na lumapit sa amin at hawakan kami pareho.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now