Chapter 53: BLOOD DESCENT

143K 2.6K 749
                                    

Chapter Fifty Three: BLOOD DESCENT

Flashback

"Argghh... shit"

Napahawak si Liam sa sikmura nya matapos itong gumulong papalayo mula sa sipa ni Virgo sa kanya. Ilang beses din syang napaubo na may kasamang dugo habang namimilipit sa sakit ng katawan.

"Uwian na!"

Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga tao lalo na ng pinagtawanan sya. Para lang syang basura na sinisipa sipa ni Virgo at wala syang magawa.

Mali yata ang idea nya na magpabugbog para makalimot sa sakit na nararamdaman nya.

"Ano bata, kaya pa? Wag kang iiyak ha..."

Pinilit tumayo ni Liam at sumuntok pero umilag lang si Virgo sa kanya at sinipa ulit sya sa sikmura kasunod ay tinuhod nito ang mukha ng binata na nagpabagsak dito.

Nalalasahan na ni Liam ang dugo sa kanyang labi kaya naman napadura ito at tumingin kay Virgo. She is the queen of gangsta, queen of the Apostle at ang laki nyang tanga na hamunin ito.

Walang kagana ganang naglakad si Virgo papalapit kay Liam at bahagyang naupo sa harap nito.

"Kung iniisip mo na mawawala lahat ng sakit at hirap mo kapag nabugbog o nasugatan ka, nagkakamali ka. Mas lalo mo lang pinapalala ang kondisyon mo... Yung mga taong katulad mo na ganun mag-isip, sila yung mga walang kwentang tao at dapat na inaalis sa lipunan..."

Alam ni Lyra ang pakiramdam na yun dahil ganoon din sya ng mawala ang kaibigan nya. Ginusto na din nyang mamatay para mawala ang sakit at takot na nararamdaman nito at pilit nyang sinisisi ang iba but then at the end...

"In short basura..."

Isang malakinng kaduwagan ang bagay nay un. Para na din syang tumakas at mas pinili ang madaling daan para hindi na masaktan.

"What?"

Napakuyom si Liam.

Kahit minsan, wala pang tumawag sa kanyang basura. Wala pang nangmaliit sa kanya o trinato sya ng katulad ng ginagawa ni Lyra. Hindi lang ang pride nito ang tinapakan nya kung hindi ang buong pagkatao nya.

Kung alam lang sana nito na isa syang Montenegro....

Tsk, biglang naalala ni Liam ang kapatid. Sa twing mababanggit ang pagiging Montenegro, si Jireh agad ang naiisip nito pati ang ibang tao. Isa pa, sigurado din sya na wala namang pakeelam si Virgo o Bloody Maria kung isa man syang Montenegro o hindi.

Tumayo si Lyra at bahagyang nagpagpag sak nag-inat. Akala nito ay gaganahan sya kapag nakalaban na nya si Liam pero parang nagsayang lang sya ng oras at pinatulan nya ang batang ito.

"You're not in a game Kiddo and being an Apostle is not just a word. Bumalik ka na lang kapag sa tingin mo, kaya mo na akong patayin" saka ito naglakad papalayo.

"Bumalik ka dito" pagapang na hinabol ni Liam si Lyra pero masyado ng masakit at pagod ang katawan nya.

Natigilan ito ng may tumamang lata sa ulo nya, nasundan pa ito ng ibat ibang basura. Pakiramdam nya, totoo ang sinabi ni Virgo na isa syang basura sa ginagawa ng mga gangsters sa paligid nya sa kanya.

Ibang iba ito sa mundo na ginagalawan nya...

Kahit minsan, hindi pa nya naranasan na mabastos at mapahiya ng ganito at si Virgo lang ang nagparanas sa kanya nito.

"Babababababababa"

Napamulat ng mata si Liam ng makarinig ng isang ingay sa paligid nya. Hindi nya namalayan na nakatulog nap ala sya sa lugar kung saan sila naglaban ni Virgo at sya na lang ang naiwang tao doon.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon