Chapter 54: Did it

6.2K 127 0
                                    

WARNING: Contains matured scenes!

|SCARLET'S POV|

"Alan ko kuya, hindi naman ako titira doon uuwi naman ako pagkatapos ko syang asikasuhin sa unit nya"

"I know pero nakakalimutan mo na yatang may kasalanan sya sayo"

Napatigil ako sa pag aayos ng bag ko at napatingin kay kuya sa likuran ko. Kanina pa nya ako kinukulit tungkol sa pagaasikaso ko kay Saturn at kanina pa nya ako sinusubukang pigilan.

"Yeah right kuya, kasalanan nyo" iniripan ko sya atsaka tumayo. Hindi pa kami ayos ni kuya pati narin sila Tiffany. Wala pa akong balak makipagayos sa kanila dahil gulong gulo parin ako sa nangyari. Ang daming katanungan sa aking isipan na hindi pa nasasagot.

"Scarlet--"

"alis na ako kuya, hindi naman ako doon titira uuwi ako mamayang gabi at hindi ko pa nakakalimutan 'yong pagsisinungaling nyo sa akin"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabhin nya at iniwan sya sa kwarto ko. Hindi ko alam ang rason kung paano nalam ni kuya na may fiance na si Saturn. Pati sarili kong kapatid niloko ako. Hindi ko maiiwasang maawa sa sarili ko dahil sa ginawa nila. Sa ngayon wala pa akong lakas ng loob para harapin sila.

Mabilis akong lumabas ng tricycle pag dating ko sa tapat ng gate at mabilis na nagbayad. Hindi ko alam kung paano ko haharapin sila Tiffany since classmate ko sila ngayong umaga. Hindi ko pa man din classmate si Jack ngayon, hindi ko tuloy alam ang gagawin kapag nakita ko na sila.

At tulad nga ng inaasahan ko. inaabangan nila akong tatlo sa may pinto. Sandali akong napahinto sa paglalakad at napailing iling. Please not now.

"Scarlet" sandali akong napahinto ng hawakan ako ni Raya. Namumula ang mata nya at halatang kagagaling lang nya sa pag iyak. Si Tiffany naman ay nag iiwas ng tingin samantalang si Apple ay malungkot din ang mukha nya.

"pwede ka ba naming makausap?"

Hindi ako sumagot at kinagat ang ibabang labi ko. Matagal ko na rin silang naging kaibigan at masasabi kong ngayon lang kami nag away ng ganito.

"not now please"

"Scarlet naman" naiiyak na sabi ni Raya.

"O' anjan pala kayo"

Napatingin ako sa likuran ko at tinignan ang nag salita. Ngumiti ako ng pilit kila Cloud na mabilis namang lumapit sa tabi ni Tiffany.

"Nag text daw sayo si Saturn, nabasa mo ba?"

"huh? hindi pa"

"kamusta na nga pala sya?" paos ang boses na tanong ni Apple. Siguro ay alam na nila ang tungkol sa nanggyari kay Saturn. Hindi ko maiiwasang maguilty sa nanggyari sa kanya.

"ayos na sya. Kailangan nya lang ng konting pahinga at pilay yung isa nyang paa."

"sinong nag aalaga sa kanya? Diba nasa ibang bansa pa yung ate at papa nya?"

Kung ganun alam din pala ni Tiffany na may sakit si tito? Ayos a' mukhang mas madami pa syang alam kaysa sa akin. Ano pa bang alam nila na hindi ko alam?

"Si Scarlet ang nagaalaga sa kanya ngayon" Napatingin si Alvin sa akin at nginitian ako. "pinapasabi pala nya na ayos lang daw kung mag absent ka muna, sya na daw ang bahala sa mga professor mo"

Yeah right. Nakalimutan kong sya ang may ari ng school. Maliit na bagay lang para sa kanya 'yon. Pero kung mag aabsent ako, mahuhuli naman ako sa klase at hindi ko alam kung hanggang kailan gagaling ang pilay nya.

"kakausapin ko na lang siguro sya mamaya, excuse me"

Iniwan ko na sila doon at naghanap ng mauupuan ko. Kita ko naman ang dismaya sa mukha nila, lalo na kay Tiffany.

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon