Chapter 1: Bumped Him

31.2K 459 21
                                    

|SCARLET'S POV|

Bigla akong napatayo ng biglang magring ng pagka lakas lakas nung alarm clock sa tabi ko, Urgh! Dapat hindi ko na lang sinet yun e' gusto ko pang matulog! Ibinaon ko ang ulo ko sa unan, langya! Ang ingay! Kahit tinatamad pa ako ay bumangon na lang ako at mabilis na pinatay ang alarm clock. 

6:30 am pa lang, great! Malalate na ako sa school. Mabilis kong linigpit ang higaan ko at tuloy tuloy na pumasok ng CR para maligo. And by the way I'm Scarlet Joy Lim. 17 years old and I'm taking BS in Info. Tech. May isa akong kapatid pangalan nya Black, yeah right the color as it is. Ang mommy ko naman ay si Purple Red Lim while my father is Maroon Blue Lim. Sarap lang sapakin ng mga lola't lolo ko, kung ano-ano na lang pinapangalan nila kila mommy, pati tuloy kami nadamay sa kalokohan nila. 

Halos limang minuto lang akong naligo sa bilis ko, that's why i hate monday! Flag ceremony kahit college na kami at 7:30 ang first subject ko. Inilabas ko ang uniform ko at sinuot ko ito ng biglang tumunog ang phone ko. Dali dali ko yung tinignan at nakitang tumatawag si Raya. Ano nanaman bang kailangan ng babaeng 'to? 

"Hello?"

"Joy? Hoy babae! Asan ka na! " Sumigaw pa sya sa kabilang linya. Kainis naman itong si Raya! Anong akala nya sa akin bingi at hindi ko sya naririnig! Makasigaw tsk! 

"Ano nagbibihis"

"Dalian mo sissie wala akong kasama dito" pinalungkot pa nya yung boses nya na parang naiiyak, napangiti ako at inayos ang kwelyo ng uniform ko. Cute talaga nyang mag drama! Sa lahat ng kabigan ko sya ang pinaka isip bata. i mean-- yeah right may pagkaisip bata talaga sya. 

"'e si Tiffany at Apple?" natatawang sabi ko, naiimagine ko nanaman ang mukha nyang nakabusangot. 

"wala pa e', dalian mo ah?"

"oo na, paano ako matatapos nito?"

"Sige na nga, bye sisisie hintayin kita dito sa hallway"

"okay Raya bye" ibinaba ko na ang phone ko at pumwesto sa harapan ng salamin. Nag apply lang ako ng koting lip gloss at polbo. Nag spray narin ako ng pabango para kahit pagpawisan ako mamaya ay mabango parin ako. 

Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya Black sa harapan ng hapag, kumakain na at hindi man lang ako hinintay. 

"goodmorning bunso" nakangiting sabi nya

"goodmorning kuya" linapitan ko sya at hinalikan sa pisngi, mukhang aalis sya or pupuntang trabaho, ewan ayos na ayos e'.

"Kain kana, hindi na kita hinintay dahil gutom na ako" natatawang sabi nya.

"Huwag na kuya, hinihintay na ako ni Raya sa school, kilala mo naman yun ayaw nyang naghihintay" tumatawang sabi ko. Kumuha na lang ako ng bread at kinagatan iyon. Humalik ulit ako sa pisngi nya at mabailis na umalis ni hindi ko na hinintay ang sagot nya. 

"Pero-" narinig ko pang sigaw nya ngunit hindi na ako bumalik, baka magtampo nanaman ang babaeng yun kapag na late ako. 

Tinignan ko ang relo ko sa kamay at nakitang 7:00 na. Urgh! Malalate na talaga ko nito! Pumara na lang ako ng tricycle at sinabi kung saan ang punta ko.

Matapos ang 15 minutes na sakayan ay sa wakas nakarating na ako sa harapan ng school. Nagbayad na lang ako ng pamasahe at kumaripas ng takbo papuntang building namin. Nakita ko naman si Raya na nakahalukipkip sa isang tabi, nakapout pa at napapabunga ng hangin. 

"Raya" mabilis na napalitan ng ngiti ang nakabusangot nyang mukha at linapitan ako at bumeso. 

"Si Tiffany at Apple? Wala pa rin?"

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon