Chapter 28: Officially His

7.3K 183 6
                                    

|SCARLET'S POV|

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may mabigat na nakadagan sa akin. Aish! Baka si kuya nanaman ito! Naku ibang kwarto nanaman ata napasukan  ng taong yun! 

Nag-inat inat ako sabay hikab. Anong oras naba baka late nanaman ako naku lagot ako nito sa professor ko!

Unti unti akong nagmulat at napatingin sa katabi ko.

"kuya naman e---" 

Hindi naman ito si kuya ehh! At mas lalong hindi pula ang buhok ni--- Teka pulang buhok? 

Napatayo ako ng mabilis sabay hila ng kumot at takip sa katawan ko. Si saturn?! Wait! Ah shit! Natulog nga pala kami!Patay ako nito kay kuya pag nagkataon na mas una syang nakauwi sa bahay! 

"Scarlet naman e!" May pahawak hawak pa siya sa likod nya habang tumatayo.

"ikaw naman kasi e! Bakit ka nakadagan sa akin?" namumulang tanong ko. E' paano naman kasi wala po syang pang itaas, kita tuloy ang magandang katawan nya

"tss" sagot nya at humiga ulit

"halika nga dito!" nanlilisik ang mata nyang nakatingin sa akin

Umiling lang ako at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kumot na ngayon ay nakapuluput sa akin. Gusto ko lang naman na magdamit na sya ehh! Kasi naman itong unggoy natoh! Gustong gustong  ma expose yung katawan nyang payatot!

"Scarlet!" banta nya

Umiling parin ako at tinitigan sya.

"okay okay! Magdadamit na!" Hmm! Makuha ka sa tingin!

Tumayo sya at kumuha ng damit sa closet nya at sadyang bastos talaga ang lalaking ito dahil mismong sa harapan ko siya nagpalit! Napayuko tuloy ako ng wala sa oras feeling ko ang pula ng buong mukha ko. Kasi naman! Bakit ba ako pumayag na matulog kasama siya? Nakakainis kasi! hindi ko matiis ang unggoy na 'to!

Napatunghay ako nung bigla siyang lumapit sa akin hinawakan nya ang baba ko para makita sya at hinalikan ako sa noo.

"namumula ka nanaman ang gwapo ko talaga" at pinat pa nya yung ulo ko sa sinabi nya

"tumigil ka unggoy! at lumayo ka nga!" Sinungitan ko siya at tinaasan ng kilay, tignan lang natin.

Pero mukhang hindi man lang sya nasindak sa akin. Tumawa lang sya ng mahina at dahan dahan nyang tinanggal yung kumot na nakapulupot sa akin.

"A-anong g-gagawin mo?" nauutal kong tanong at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot

"relax may damit ka sa loob seriously Scarlet?" poker face nyang sabi at tuluyan na nyang natanggal ang kumot sa akin. Tumawa lang ako at nginitian sya ng pilit

Tinitigan nya ako at sabay sabay ang paglunok nya kita ko pa ang pag taas baba ng adam's apple nya

"damn it!" mahina nyang mura

"Bakit ka magmumura ha!"

"w-wala tara!" namumula nyang sabi! Wait si Saturn nag blush?!

Hinila nanaman nya ako at pabagsak na humiga sa kama na ngayon ay nasa ibabaw ako! AWKWARD

"uy ano ba--"

 "call me baby"

"what?" Anong pinagsasabi nito! Aba! Malaki na siya tapos tatawagin ko siyang baby!

Umayos naman sya ng pwesto at umupo sa tabi ko

"i said call me baby"

"hindi kana bata--"

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon