Chapter 11: Jealousy

9.6K 248 12
                                    

|SCARLET'S POV|

Nabigla ako ng may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam pero parang natatakot ako kung sino man yun. Parang naguiguilty ako kung makita man kami ng taong yun. Nenerbyos ako sa di ko alam kung bakit. Humiwalay ako sa yakap ni bj at nagulat ako ng makita ko siya.

“Saturn”

“kilala mo siya" tanong ni Bj na nagulat rin sa biglang pagsulpot ni Saturn.

Tumango lang ako at tumingin ulit kay Saturn. Ang mga tingin nya punong-puno ng galit, ang aura nya kakaiba puno rin ng galit. Anong ibig sabihin nito? Hindi ko mabasa sa mga mata nya ang gusto nyang sabihin.

“So you're busy huh?” he said in a cold voice

“teka lang pre anong pinagsasabi mo” Bj said in  a cold voice too.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o sino ang kakampihan ko sa kanilang dalawa. Puno ng tensyon ang tinginan nila at hindi ko mawari kung bakit ganun na lang sila makatitig sa isa't isa.

“Ano si Saturn, Saturn si Bj" pakilala ko sa kanilang dalawa na halos garalgal na ang boses ko.

“uhmm Saturn?? Siguro classmate mo si Scarlet---“

“don’t you dare call her scarlet! Fuck!” Mariin nyang sabi at nag walk out. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Bj na tulala sa ginawa nya. Anong ibig nyang sabihin? Pati pagtawag sa pangalan ko hindi na pwede? Anong meron sa lalaking 'yon!

“Anong problema nya?” Hindi ko rin alam kung ano ang problema nya. Umirap ako sa kawalan at hinarap si Bj.

“Halika na nga huwag na muna nating pansinin yon" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at kinaladkad sya palabas ng School. Bukas din kakausapin ko sya, hindi ko na talaga mantindihan kung bakit ang higpit nya sa akin. Nakakainis na sya!


|SATURN'S POV|

Bumalik ako sa tambayan at padabog na binuksan ang pintuan na syang kinagulat nila Alvin. Tuloy tuloy akong umupo sa sofa at minsahe ang noo ko. Hindi ko alam kung anong problema ko! Shit! Kumulo ang dugo ko ng makitang may kayakap syang ibang lalaki. Tangina lang tatlong araw lang akong hindi nag pakita may iba na sya! 

"O' akala namin umuwi ka na" ani Henry ngunit hindi ko sya pinansin. 

"Fuck! Did he just call her Scarlet?" 

"Huh? Uy ayos ka lang?" Tinapik ako ni Henry sa balikat ngunit inilisi ko lang ang kamay nya. Shit! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko! Bakit ako nagpapaapekto pati sa pagtawag ng pangalan nya ng ibang lalaki?

"May kasamang lalaki si Scarlet kanina, dapat uuwi na ako e" Napaawang ang labi nila sa sinabi ko at pumikit pikit. Shit! I am serious here!

"Ano naman ngayon kung may kasama syang ibang lalaki? Hindi mo sya pagmamayari"

"Kaya nga pre, teka are you jealous?" Napahinto ako sa tanong ni Cloud, oo nga't ayokong may kasama syang ibang lalaki pero hindi ibig sabihin nito ay nagseselos na ako. Shit! I am not jealous! Naiinis lang ako.

"Hindi" simpleng sagot ko at binaling ang tingin ko sa kamay ko. Nilaro ko ang buhok ko gamit ang isa kong kamay at napapikit. I'm starting to like her. 

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon