Chapter 36: The Truth

5.8K 153 2
                                    

|RAYA’S POV|

“joy kumain ka muna ohh” binigay ko kay Scarlet ang sandwich at nginitian sya. Kinuha naman nya ito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Limang araw na syang ganyan simula nung mag away sila ni Saturn. Naikwento nya kasi sa amin yung ngyari sa kanila five days ago. Naaawa na ako sa kanya hindi na sya tulad ng dati na palaging nakangiti.  Naku! Bwiset kasi na Saturn nayan ehh! Mag lalaki talaga! >.<

“bebe ngumiti ka naman para kang namatayan” seryosong sabi ni tiffany

“aww bakit ka ba nambabatok!” aish! Binatukan sya ni apple kasi naman ehh imbes na pagaanin nya loob ni Scarlet parang mas pinalala pa ata nya!

“kung ano-anong sinasabi mo imbes na—oh san ka pupunta?”

Bigla na lang kasing tumayo si Scarlet ng hindi man lang nagsasalita.

“alis na ako busog na ako”

“busog? Scarlet naman oh! Nakaka dalawang kagat ka pa lang ubusin mo muna” Sabi ko at muli syang pinaupo. Lunch break namin ngayon at heto kami sa school ground kumakain.

“pero busog na talaga ako”

“scarlet naman oh! Kumain ka nga tignan mo pumapayat kana! Alagaan mo naman yang sarili mo”

Bigla na lang syang umiyak sa sinabi ko at ibinaon ang mukha nya sa palad nya.

“please naman ohh hayaan myo muna akong mapag isa gusto kong makapag isip kung ano ang gagawin”

Umalis na sya at hindi man lang hinintay ang sasabihin namin. Malala na talaga sya! Hindi naman sya ganyan nung unang araw ng break up nila ni Saturn. Hindi nanamin alam ang gagawin sa kanya.

|SCARLET’S POV|

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at pumunta ako ng CR. Pumasok ako isa sa mga cubicle at dun umiyak. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto kong makausap si Saturn pero hindi ko alam kung paano sya haharapin. Lagi na lang syang tumatawag at nag tetext, gusto nya akong kausapin at miss na miss na daw nya ako. Ako rin miss na miss ko na sya pero hindi pa ako handang harapin sya masakit parin hanggang ngayon ang ginawa nila sa akin ni Venice.

Pinunasan ko ang luha ko at aalis na sana ng may marinig akong usapan sa labas. Mukhang kakapasok lang nila dahil wala namang tao dito kanina.

“ikaw na talaga girl! Lahat gagawin mo para kay Saturn ano?”

Napahinto ako sa pagbubukas sana ng pinto ng marinig ko ang pangalan ni Saturn. Shit! Bigla akong kinabahan sa pagkakaalam ko boses yun ng mga kasama ni Venice!

“I know right! Gagawin ko ang  lahat mapa saakin lang muli si Saturn”

“so anong ginawa mo?”

“Well inutusan ko lang naman yung isang babaeng whore sa Bar nayun na iseduce si Saturn, nung una ayaw patulan ni Saturn pero nung huli kumagat din medyo lasing na kasi sya nun kaya iniisip nya siguro na si Scarlet ang babaeng humalik sa kanya”

That bitch! Hanggang ngayon patay na patay parin pala sya kay Saturn! Sinasabi ko na nga ba ehh! Sya ang may kagagawan ng lahat ng ito! Ang kapal ng mukha nya!

“Bilib na tlaga ako sayo Venice! So anong next mong ginawa?”

“Kinuhanan ko sila ng litrato ng naghahalikan, and guess what? Blinack mail ko si Saturn sinabi ko na kapag hindi nya susundin lahat ng sinabi ko ipapakita ko sa magaling nyang girlfriend ang picture nila! At mukhang gumana naman ang plano ko dahil pumupunta sya sa Unit ko tuwing tatawagan ko sya, Tsk! Mahal na mahal nya talaga ang Scarlet nayun dahil halos ipamukha nya sa akin na hinding hindi sya mapapasa akin!”

Hindi na ako nakatiis pa at sinugod ko sya! Buti na lang at dadalawang sila at hindi nila kasama yung iba nyang kaibigan!

“walang hiya ka Venice! Napaka landi mo!” Sinampal ko sya sa  kaliwang pisngi nya at sinabunutan

“oh my god! Get off of me!” Singhal nya pero hindi ko sya binitawan at mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa buhok nya

“ang kapal ng mukha mo! Desperada ka talagang makuha si Saturn ano!”

“ano ba bitawan mo nga ako! Tulungan mo ako Bitch!”

“aww sorry ka na lang Venice pero wala ng tutulong sayo!”

Binitawan ko sya at itinulak sa sahig. Iginala nya ang mata nya sa paligid at saka nya ako tinignan ng matalim.

“kawawa ka naman Venice walang tutulong sayo, kaya ka siguro tinakbuhan ng kaibigan mo kanina dahil hindi na nya masikmura ang kagagahan mo!”

Tumayo sya at akmang sasampalin ako ng pigilan ko sya at ako ang sumampal sa kanya

“para yan sa ginawa mo sa akin noon!” at muli ko syang sinampal sa kabilang pisngi

“para naman yan sa pagsira mo sa relasyon namin ni Saturn!”

Napahawak sya sa magkabilang pisngi nya at parang naiiyak narin sya. Dapat lang yan sa kanya! Kung nagpapaawa man sya pwes hindi ako naaawa!

“Nararapat lang yan sayo Venice anong karapatan mo para sirain ang realsyon namin ni Saturn! Nakaraan ka lang nya at ako ang present nya! Sana naman magtanda kana!”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya at umalis na ako! Ngayon alam ko na ang lahat, Shit ang tanga tanga ko! Kung sana nakinig ako kay Saturn hindi sana kami aabot sa ganito!

Dali dali akong pumunta sa tambayan nila para makausap sya pero mga kaibigan lang nya ang nadatnan ko. Dalawang araw na daw syang hindi pumapasok at hindi daw nila sya macontact.

Mukhang alam ko na kung asan sya. Lunch hour pa naman kaya mabilis akong nakalabas ng Campus. Pumara ako ng taxi at pumunta sa Unit nya. Sana naman andito sya para makapag usap na kami.

Alam ko naman ang password nya kaya mabilis akong nakapasok sa Unit nya. Iginala ko ang mata ko sa sala pero wala sya nagkalat lang na bote ng alak ang nakita ko at may basag na gamit.

Pumunta ako sa kwarto nya and I was right, andun nga sya nakahiga sa kama nya ng walang damit! Urgh gusto ba nyang magkasakit! Naka full panaman ata ang aircon dito sa kwarto nya!

Dahan dahan akong lumapit at umupo sa tabi nya. Ang himbing ng tulog nya at humihilik pa sya. Hinaplos ko ang pula nyang buhok at tinitigan sya. Napangiti ako ng bigkasin nya ang pangalan ko kahit tulog sya.

“Scarlet”

Yinugyug ko sya at hinawakan sa mukha

“Baby, Wake up”

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon