Chapter 55: He's back again

6.7K 100 0
                                    

WARNING: Contains matured scenes!

|SATURN'S POV|

Pinatay ko ang TV at ininom ang juice na hinanda ni Scarlet para sa akin. Luminga ako sa buong sala pero hindi ko sya makita. Saan nanaman ba sya pumunta? Alam naman nyang minuminuto ko syang kailangan dito sa tabi ko. Huminga ako ng malalim at ginalaw ang paa kong pilay.

Apat na araw narin simula nong naaksidente ako, nagpapasalamat ako at ito lang ang napala ko sa aksidente at the same time naiinis dahil sa pilay na ito. May improvement naman dahil nagagalaw ko na sya. Kumikirot nga lang kapag pwersahang ginagalaw.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakapagusap ni Scarlet tungkol kay Jana, at wala rin akong balita kung tuluyan na syang umalis ng bansa. Huli ko syang nakita nong andun kami sa park at hanggang ngayon ay hindi ko pa sya nakikita. Tumawag narin ako noong isang araw sa kompanya at sabi ng secretary ni papa ay ayos na daw ang kompanya. I know kagagawan 'yon ni Jana dahil 'yon ang sabi nya nong huli kaming nagkausap, alam kong tutuparin nya ang sinabi nya kaya gusto ko syang makausap para makapagpasalamat pero sa ngayon uunahin ko muna si Scarlet.

Halos madurog ang puso ko sa nakalipas na araw. Nakakasama ko lang syang tuwing umaga at gabi. Pagsapit ng alas nwebe ng gabi ay umuuwi sya, sinabi ko namang pwede muna syang tumira dito pero ayaw nya at naiintindihan ko 'yon. Nagpapasalamat ako at pumayag syang alagaan ako inspite of what i've done. Alam kong masakit para sa kanya ang pagsisinungaling ko dahil pati sila nong mga kaibigan nya ay nadamay narin dahil sa kagagawan ko. Naikwento 'yon sa akin nila Cloud noong pumunta sila dito. Hindi daw sila naguusap at lumalayo sya kila Tiffany. Naikwento rin nila sa akin kung bakit sila nag away and i was right, sinabi ni Tiffany ang nalalaman nya.

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng ngyari, kung sinabi ko pa sana sa kanya noon ay hindi na sana aabot sa ganito ang sitwasyon. Hindi na sya katulad ng dati na tinatawag akong baby at sweet, medyo aloof na sya sa akin at kinakausap lang ako sa tuwing may kailangan ako.

Tinulak ko ang wheel chair at pumuntang kusina, andoon nga sya at naghuhugas ng pinagkainan namin kanina. Pinanood ko lang sya habang inaayos ang mga plato at nanatiling tahimik, nagiisip ako kung ayos lang ba sya or may masakit sa kanya. I was hoping i got her pregnant pero mukhang malabo yata dahil sabi nya safe daw sya nong ginawa namin 'yon. Alam kung magagalit sya kapag sinabi kong gusto ko syang mabuntis pero anong magagawa ko? Iyon na lang ang natitira kong choice, ang mabuntis sya para hindi nya ako hiwalayan.

"baby" tawag ko ng mapansing tapos na sya. Mabilis naman nya akong linapitan at tipid na ngumiti.

"hmm?" hindi ako sumagot at tinitigan lang sya. Namumula ang pisngi nya pati narin ang kanyang labi. Shit! Naseseduce ako sa nakaawang nyang labi, nagiinit ang katawan ko nang maalala ko ang love making namin.

Yinakap ko lang sya sa bewang nya at tinaas ang damit nya hanggang baba ng dibdib nya. Napasinghap naman sya sa ginawa ko at hinawakan ang kamay ko.

"What are you doing, Saturn" hindi ulit ako sumagot at pinaliguan ng halik ang buong tyan nya. Maiinit na halik ang binibigay ko sa kanya. Bawat pagdampi ng labi ko sa tyan nya ay mas lalong nag iinit ang katawan ko. I'm getting addicted.

"please tell me you are pregnant" muli kong hinalikan ang tyan nya bago ko binaba ang damit nya.

"Saturn, sinabi ko naman sayo na hindi ako buntis. Safe ako nong ginawa natin 'yon" ani nya habang tinutulak ang wheel chair papuntang sala at inalalayan akong umupo sa sofa.

"Kung ganun ulitin natin hanggang sa mabuntis ka" Halos lumuwa ang mata nya sa sinabi ko at napatakip sa labi nya. Shit! Desperado na talaga akong mabuntis sya.

"Alam mong hindi pwede yan" mariin nyang sabi habang umuupo sa tabi ko at binuksan ang TV.

Am i forcing her? Gusto ko lang naman makasigurado na ako na talaga hanggang sa huli. Gusto ko ng mapalitan ang apelyido nya. Sigurado akong sya na talaga ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli. Sagad na sagad ang pagmamahal ko sa kanya.

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon