Chapter 58: Away

5.1K 101 1
                                    

|SCARLET'S POV|

"Uy Scar? Tulala ka nanaman, ano tapos muna iyong programming natin" Tinitigan ko lang si Raya at mabagal na tumango bilang sagot sa tanong nya.

Two days, dalawang araw na akong hindi mapakali at puro tango lang ang sagot ko sa tuwing tatanungin nila ako, magsasalita lang ako sa tuwing may gusto akong sabihin. Hindi ko mawari ang gusto ko, naguguluhan ako.

"This June talaga mag shishift na ako! Ayoko na dumudugo ang utak ko sa programming na yan!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Apple at pinanood ang mga taong dumaraan sa malawak na soccer field. Puro sila nakangiti at parang walang problemang hinaharap. Kung sana kasing tatag nila ako hindi sana ako mamromroblema ng ganito. Simula nung iniwan ko si Saturn, 'yong araw na iniyakan nya ako sa harapan ng kaibigan namin maging kay Bj ay ganito na ako. Hindi maalis sa isipan ko ang pangyayaring 'yon. God knows kung gaano ko sya gustong sundan ngunit hindi ko maigalaw ang paa ko para sundan sya. Ang nagawa ko na lang ay ang umiyak habang pinapanood syang lumalayo sa akin.

"Scar hatid ka namin gusto mo?"

"Huwag na susunduin ako ni Bj" tumango lang sila bilang sagot at nagkibit balikat. Alam kong may gusto silang sabihin, ramdam ko yon sa bawat titig nila sa akin. Alam ko ring nababahala sila sa kalagayan ko dahil minuminuto nila akong kinakausap kahit alam nilang wala akong ganang makipag usap ng maayos sa kanila. I feel wreck, para akong salamin na konting hawak lang ay mababasag na ako.

"Tara na Scar ng text si Bj nasa labas na daw sya" tumayo ako at nauna ng naglakad, pansin ko naman ang pagsunod ni Apple at Raya habang umiiling.

Kahit saan ako lumingon sya ang nakikita ko. Para akong nawawalang aso na nangungulila sa taong nagmamayari sa kanya. Ganun ang nararamdaman ko ngayon, nangungulila sa taong minsan ng naging parte ng buhay ko. Para syang tattoo na nakaburda na sa pagkatao ko, mahirap at hindi ko alam kung matatanggal pa sya sa buhay ko.

Lumipas ang isang linggo at laging ganun ang daloy ng araw ko, ngumingiti narin ako ngunit bakas parin ang kalungkutan sa mga mata ko. Nagconcentrate ako sa pag aaral at pilit syang inaalis sa aking isipan. Mahirap pero alam kung makakaya ko yon, it's the only remedy to throw away this pain. Ayoko ng masaktan pa.

"Bunso paki abot naman yong marker jan sa tabi mo" binigay ko kay kuya ang hinihingi nya at binaling ang tingin sa TV. Napipikit ako at pinatay na lang yon, it's no use hindi naman ang pinapanood ko ang laman ng isipan ko. Parang saranggola ang utak ko na lumilipad at nagpapadala sa direksyon ng ihip ng hangin.

"bored bunso?"

"Medyo, walang magawa e" ngumiti ako ng pilit kay kuya at tumabi sa kanya. Bati na kami at napatawad ko na sya, dadalawa na nga lang kaming magkapatid hindi pa kami mag uusap? Atsaka wala namang mangyayari kung hindi ko pa sya patatawarin, hindi non maibabalik ang dati.

"Hang out? San mo gustong pumunta?" umiling lang ako at yinakap ang kapatid ko na syang kinagulat nya. Bahagya pa syang napatigil sa ginagawa nya.

"Scarlet bunso, may problema ba?"

"I missed him" hindi ko na napigilan pa at nasabi ko na ang mga salitang matagal ko ng kinikimkim. Hindi sya sumagot at hinaplos lang ang buhok at likod ko.

"Gusto ko syang makita pero, nangingibabaw ang galit ko kuya" napahikbi ako at tinakpan ang bibig ko. Ayokong makita o kaya ay marining nanaman nila akong umiiyak, specially mom na kararating lang nong isang araw galing La Union. Hindi ko na alam kung anong palusot ang sasabihin ko kapag nakita nanaman nyang umiiyak ako, hindi kasi namin sinabi sa kanya ang mga nangyari sa nakalipas na araw.

"Tatawagan ko ba sya? Papupuntahin dito? Maybe it's time bunso na kailangan nyo ng magusap"

"Hindi pa ako handa kuya, masakit parin"

"Talaga? Kung ganun mag titiis muna si Saturn" natatawa nyang sabi at binitawan ako. Napaupo naman ako ng maayos at tinitigan sya, bakit parang natutuwa pa sya sa kalagayan ko? Pansin ko rin ang ganyang kilos sa mga kaibigan ko, even Bj noon ay galit sya kay Saturn pero ngayon bukambibig na nya ang pangalan nya.

Puro masasaya ang mukha nila at hindi nagpapaapekto sa nangyari, or maybe ako lang talaga ang apektado dahil hindi nila ramdam ang nararamdaman ko?

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para pumasok, nadatnan ko pa sa sala si Bj habang ka skype si Venice. Hindi naman sa hindi ko gusto si Venice para kay Bj pero minsan na syang naging parte ng relasyon namin ni Saturn noon. Hindi ko maiiwasang magduda kung talaga bang mahal nya si Bj o pera lang ang habol nya tulad noon kay Saturn.

Sinenyasan ko sya na pupunta akong kusina, mukhang kuha naman nya ang gusto kong iparating dahil tumango lang sya bilang sagot.

Binasa ko ang note na nakadikit sa ref galing kay mama.

Nak, jogging lang kami ng kuya mo. Nakahanda na ang agahan nyo ni Bj jan okay? Pahatid ka na lang sa kanya.

Napangiti ako at binuksan ang ref, hindi katulad ni mommy ang ilang ina na mawawalan ng oras sa anak kapag namatayan sila ng asawa. Simula kasi nung namatay si Daddy mas lalong binuhos ni mommy ang oras nya sa amin.

"Breakfast?" napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ang boses ni Bj sa tabi ko. Muntik ko pang nabitawan ang pitchel sa gulat.

"God Bj! Ba't ka ng gugulat!" tumawa lang sya at kinuha ang pitchel sa akin, nagsalin sya ng tubig sa baso at binigay yon sa akin na mabilis ko namang tinaggap.

"Wala ka namang sakit sa puso" tumatawa nyang sabi.

Inirapan ko sya at pumwesto na sa hapag at kumain. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nag ayos ng sarili para sa pagpasok sa school.

"Sunduin kita maya? Anong oras uwian nyo?"

"Bj sasama na lang muna siguro ako kila Raya. Lagi mo na lang akong sinusundo baka nagseselos na si Venice!" tumawa ako ngunit ngumuso lang sya at kinurot ang pingi ko.

"Alam naman nya yon e huwag kang mag alala" nagkibit balikat nalang ako at nagpaalam na sa kanya at pumanhik na sa gate. Nakakailang hakbang pa lang ako ng makita ko ang bulto nya, ang lalaking miss na miss ko na.

Tinitigan nya lang ako at napakurap kurap bago ginulo ang buhok nya. Ang magulong buhok nya ay mas lalong gumulo dahil sa ginawa nya. Gusot gusot rin ang damit nya at nakabukas ang dalawang butones nito, pansin ko rin ang mabibigat nyang paghinga dahil sa bagal ng pagtaas at baba ng dibdib nya. Bukod don ay kapansin pansin rin ang mapupungay at malungkot nyang mata at ang nakaawang nyang labi. Anong ginawa nga sa nakalipas na isang linggo at ganito na ang itsura nya? He looks wasted.

"Baby-" Lalapitan na sana nya ako ng biglang sumulpot si Henry at Alvin, mabilis nila itong hinila at inakbayan. Tulad nila Raya, kuya at Bj ay masasaya rin ang mukha nila parang wala lang sa kanila ang paghihiwalay naming dalawa.

"Hi Scar! Hinatid ka ni Bj? Swerte naman talaga ng lalaking yon ano?" Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Henry at binaling ang tingin kay Saturn na ngayon ay tinitignan ng nasama si Henry. Pansin ko rin ang pagkuyom ng kamao nya.

"Well just saying Scar, una na kami bye!" Hindi na nila hinintay ang sasabihin ko at umalis na sila kasama si Saturn. Tulala parin ako kahit wala na sila sa harapan ko. Kaibigan nila kami pero paano nilang nagagawang maging masaya ngayong nagkahiwalay na kami ni Saturn?

That Girl is Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon