Chapter 5

10 1 0
                                    

Nakatulala, nakanganga, at nakakunot ang noo. Ganyan ang itsura ko ngayon. Nagtataka at gulong-gulo sa nangyayari.

Kahapon lang, may nakita akong lalaking nakatingin sa akin mula sa tapat ng bahay namin. Pero ng ibinalik ko ang tingin ko dito, wala na sya. At ngayon naman mayroon ding lalaking nakatingin sa akin pero nalingat lang ako saglit, wala na sya.

Gosh! What is happening?! Nakakabaliw na ah! Gigil mo si ako!

Sa tingin ko, mukhang lalaki ang hinabol ko kanina. Hindi ko man maaninag ang mukha nya pero sa tindig at pangangatawan nya, alam kong lalaki sya.

Wait, what if... They are the same? What if that man in front of our house and the man that I was chasing a while ago, is the same? But... I don't think so. Besides, I don't clearly see their faces. But the question is... Are they spying at me? For what and... Why?! Ugh! Bahala nga sila! Kung gusto nilang magmanman, hindi ko sila pipigilan. Wala naman akong ginagawang masama para matakot sa kanila.

"Kambal!"

"Ay, Tuko!" napatalon at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

-__-  —> Shanica

"Ano ka ba? Ginulat mo ako!" suway ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot, sa halip sinumbatan nya pa ako.

"Isa pang tawag mo sakin ng Tuko, makakatikim ka na!"

"Uh... Hehehe... Sorry" sabi ko habang nakahawak pa sa batok ko. "Ikaw naman kasi, nanggugulat ka!"

"Eh sira ka, kanina pa kita hinahanap! Tsaka ano bang ginagawa mo dito?" sinuyod nya ng tingin ang buong building "Mukhang luma na itong building. Ngayon lang ako nakarating dito"

"Oo nga, ako rin" ginaya ko sya, inilibot ko rin ang mata ko sa buong building.

"Mabuti nga at nahanap kita. Ang dami kong pinagtanungan na estudyante, buti kilala ka nila. Pinag-alala mo ako ng sobra!"

"Hehe... Pasensya na" nagpeace sign ako sa kanya.

"Teka nga, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" nakapamewang pa nyang sabi.

Pinag-isipan ko munang mabuti kung sasabihin ko ba talaga sa kanya. But I guess, hindi naman masama na sabihin ko sa kanya. Wala namang mawawala sa akin and besides, telling the truth is not wrong. She's a friend, and I know I can trust her.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"May hinahabol kasi akong lalaki kanina kaya ako nandito"

"Sino naman yung lalaking yun?"

"Hindi ko nga rin alam eh" umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko habang nakakunot ang noo.

"Eh bakit mo naman sya hinabol, eh hindi mo naman pala kilala?"

"Ewan ko pero kanina kasi nakita ko syang nakatingin sakin. Hindi ko naman maaninag ang mukha nya kaya lalapitan ko sana kaso naglakad sya palayo kaya sinundan ko... Kaya ako napadpad dito" I shrugged my shoulders.

"Kung ganon..." she roam around her eyes through the whole building. "Asan na sya?"

"Don't know..." I shrugged again. Pinanliitan nya ako ng mata dahil don. "Nawala sya sa paningin ko" I answered.

"Tanga mo naman" my jaw dropped at what she just said. Tanga daw ako?! Binatukan ko nga.

"Aray! Ano ba?!" angal nya.

The man I saw in my dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon