Chapter 1

19 0 0
                                    

Maddie's POV

"Kuya, bilisan mo nga jan! Male-late na 'ko!" sigaw ko sa makupad kong kapatid. "Wag ka nang mag-ayos jan, wala rin namang magbabago!... Panget ka parin." pabulong kong sabi sa huling linya.

"Oo na, anjan na!" anjan na daw pero nakaharap parin sa salamin at nagsusuklay. "Tsk! Sungit neto!" bulong pa nya e dinig ko naman.

Bumaling naman ako kay Mama na kakalabas lang sa kitchen. Narinig siguro nya ang sigawan namin ni Kuya.

"Oh ano ba yan? Ang aga-aga, nagsisigawan na naman kayo ng Kuya mo" kalamadong sabi ni Mama. Humalik naman ako sa pisngi nya.

"Good morning Ma" kahit wala namang good sa morning.

"Mmm. Good morning" tumango sya. Bumaling naman sya kay Kuya. "At ikaw naman Mandemous, bilisan mo na jan. Bakit ba palagi mo nalang pinaghihintay ang kapatid mo ha?"

"Hindi ko naman po kasalanan kung lagi syang maaga. Hindi ko naman po sya pinaghihintay, naghihintay sya." nakanguso pang sabi ni kuya.

"Aba't namimilosopo ka pa!" ayan! Nakatanggap tuloy sya ng pamamatok ni Mama. Haha buti nga! "Syempre walang masasakyan 'tong si Maddie"

"Eh pwede naman pong magcommute ah?"

"Naku! Tigilan mo 'ko jan sa mga palusot mo ah! Hindi na bumebenta yan!" hindi nalang nakipagtalo si Kuya at bumaling ulit sa salamin. Nakatanggap naman ako ng matalim na tingin galing sa repleksyon nya. Binelatan ko na lang sya. Haha! Buti nga!

After "30" minutes lang naman ang sandali kay Kuya— sa wakas nakaalis na kami. Kung marunong lang talaga akong magdrive, iniwan ko na to kanina pa.

"Ba't ba lagi ka nalang babagal-bagal ha?! Araw-araw nalang yan e! Tsk! Panigurado late na naman ako nito!" singhal ko habang inilalabas nya ang motor nya mula sa garahe.

"Oh! Easy ka lang kafatid! Baka ma-high blood ka nyan!" tsaka nya pinaandar ang sasakyan. Umangkas naman ako sa likuran.

"Tigil-tigilan mo 'ko Kuya ah! Bilisan mo na lang jan! Late na naman ako" sabi ko habang inaayos ang helmet na suot ko.

"Maddie... Maddie... Maddie... The always mad. Maddie." yan! Yang linyang iyan ang palagi nyang sinasabi kapag nagagalit ako. He said that my name is Maddie because I'm always mad. E sino bang hindi magagalit kung ganyan kakupad ang kapatid mo diba? I'm always mad because I'm always late and it's all because of him.

Hindi ko nalang sya pinansin at pinagmasdan nalang ang tanawin sa labas, baka sakaling kumalma ako.

Lunes ngayon kaya paniguradong may flag ceremony. At dahil doon, kailangang maaga pumasok para hindi ma-detention. At sa araw na 'to, paniguradong nagsisimula na yon ngayon. Kainis kasi si Kuya, ang bagal bagal!

College na si Kuya at grade 10 naman ako kaya magkahiwalay kami ng school. Minsan pag wala syang pasok at meron naman ako, hinahatid nya ako...pero madalas hindi. Kaya hinahatid nalang ako ni Papa or nagco-commute ako. At ngayon, napilitan akong sumabay kay Kuya dahil hindi ako pinayagan ni Mama na magcommute at umalis ng maaga si Papa. Kaya... Ayun... No choice, kumbaga.

Naku, Patay!

Mula sa kinauupuan ko'y tanaw ko ang mga estudyanteng nakapila para sa flag ceremony. At ang ibig sabihin lang nito... Late na ako!

Kahit hindi pa masyadong nakakahinto ang sasakyan ay bumaba na ako na syang ikinagulat ni Kuya. Habang tumatakbo ako ay naririnig ko pa ang pagsigaw nya sakin pero hindi ko nalang yun pinansin. Hmp! Bahala sya, kasalanan nya rin naman kasi 'to.

The man I saw in my dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon