Chapter 3

4 0 0
                                    


"Ate! Tapos ka na ba jan?! Kain na tayo dito!" sigaw ko kay ate mula sa kusina.

"Oo sige, tatapusin ko lang 'to. Maghain ka na jan!" sigaw nya pabalik.

"Ge!" at sinunod ko na ang utos nya.

Pagkalipas ng ilang minuto, naupo na si Ate at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato nya.

"Oh, teka. Si Kuya ba, hindi mo na tatawagin?" tanong ko ng mapansing magsisimula na syang kumain.

"Hmp! Hayaan mo sya. Alam mo naman ang Kuya mo, maraming bahay. Uuwi naman yun kapag nagutom na." she said. I slowly nodded for response. Sabagay, tama nga naman sya.

"So... Anong plano mong gawin ngayon?" she asked.

"Ahm... Ganun pa din. Baka magpaint o magdrawing nalang ako sa kwarto ko. Wala naman akong pupuntahan." I answered. She nodded at me. "Ikaw?"

"Ako nalang ang magbabantay kay Bryle. Tutal, day off ko ngayon. Sa kanya ko nalang ilalaan ang free time ko... Ay teka, magdo-drawing ka? I-portrait mo naman ako oh!" sabi nya, nagpapacute pa. Inilahad ko naman ang kamay ko sa kanya kaya napatingin sya dito. "Ano yan?"

"Kamay"

-__-   —>ate

"Gaga! Alam kong kamay yan, hindi ako bulag!" sabay hampas nya sa ulo ko.

"Aray! Sige manakit ka, hindi kita ido-drawing!"

"Eto naman, naglalambing lang si Ate eh" she said while massaging my head.

"Lambing ba ang tawag mo dun?"

"Oo! Para namang hindi ka na nasanay sakin" itinawa ko nalang ang sinabi nya.

Ganito kami madalas ni Ate. Minsan magkaayos... Pero madalas nag-aaway. Kapag kami lang ang naiwan sa bahay, kawawa ang kapitbahay. Bakit? Kasi gugulo ang buhay nila. Ang intense 'no? Kasi kapag nangyari iyon, magkakaroon ng world war III. Pero kahit ganoon, alam namin na mahal namin ang isa't isa. Tsk! Ang korni!

"Uy! Sige na! I-drawing mo na 'ko, please..." she said while blinking her eyes or I must say 'puppy eyes'.

"Tumigil ka nga Ate! Hindi bagay sayo ang magpacute!"

"Tsk! Eto naman, parang minsan lang ako magpadrawing eh! Sige na!" she pleaded. Inilahad ko naman ulit ang kamay ko sa kanya na agad ikinakunot ng noo nya.

"Bayad!" bago pa sya magsalita, inunahan ko na. "Ang tanong mo kasi kanina, 'Ano yan?'. Edi syempre ang isasagot ko, kamay. Kung sana ang tanong mo, 'Anong ibig sabihin nyan?', edi bayad ang sasabihin ko!"

"Tsk! Pareho lang naman yun! Tsaka wag kanang magpabayad. Para namang hindi kita kapatid nyan!"

"Aba Ate, wala ng libre sa panahon ngayon! Kung gusto mo ng libre, gumawa ka ng sayo!"

"Tsk! Eh hindi pa nga kasi dumadating yung sweldo ko. Drawing mo na 'ko, sige na!"

At dahil sa matalino akong tao, may naisip akong napakagandang solusyon sa problemang ito. Parang may umilaw na bumbilya sa ulo ko at ang masasabi ko lang... "Im an alpha kid!"

*evil smile

"Hmm... Ganito nalang, i-do-drawing kita kung..."

"Kung ano?" excited nyang tanong. Lalo namang lumaki ang ngisi sa labi ko.

"Kung... Ikaw ang mag-uurong!"

-__-  —>ate

"Di bale na. Wag mo nalang pala akong i-drawing."

The man I saw in my dreams Donde viven las historias. Descúbrelo ahora