Prologue

19 0 0
                                    

Hinihingal na ako kakatakbo para makatakas sa taong humahabol sa akin. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang tumakbo. Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong ganito pero hindi ako makaramdam ng pagod. Panay rin ang lingon ko sa likuran hanggang sa...

*beep! *beep!

Isang malaking container truck ang nasa harapan ko ngayon! Hindi ko alam ang gagawin at hindi rin ako makagalaw. Ang tanging nagawa ko nalang ay ipikit ang aking mga mata at hintayin ang aking katapusan...

"Miss!"

*Blag!

Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa isang matipunong tao na tiyak kong lalaki. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sya. Nakatitig sa akin ng may halong pag-aalala.

"Miss! Miss, ayos ka lang ba?" tanong nya.

"Maddie..." isang tinig mula sa malapit ang naririnig ko.

"Oy Miss! Ano? Ayos ka lang ba?" tanong ulit ng lalaking nasa harapan ko.

"Maddie!" sigaw ulit nung tinig sa malapit.

"Miss!"

"Maddie!"

"Miss!"

"Maddie!"

"Aaahhh!" napabalikwas ako ng bangon dahilan para mapagtanto kong nananaginip lang ako. Napayakap naman ako bigla kay Mama dahil doon.

"Oh! Anak, ayos ka lang ba? Nanaginip ka ba ng masama?" tanong nya. Tumango naman ako. "Shh... Tahan na, panaginip lang yon ok? Tahan na."

'Panaginip lang pala'. Pero... Sino yung nagligtas sakin kanina? Sino yung lalaking nasa panaginip ko? Sino... Sya?

This is a work of fiction. Names, characters....blah blah blah are nonsense. Kung ano man ang mapansin mo, wag mo nalang pansinin para hindi mo na mapansin ang napansin mo. Ang gulo diba? Nonsense nga e! Tss! Magbasa ka nalang! Dami pang reklamo.
                           
—dyosang artist

The man I saw in my dreams Where stories live. Discover now