Chapter 4

4 1 0
                                    

Tomorrow morning on that day, I am confused about my dream. Kataka-taka naman kasing hindi ko sya napanaginipan ngayon. I know I can't recognize his face but I also know if I've dreamed of him or not! And now, I'm sure that I haven't dreamed of him tonight. I don't even see his shadow! And that is the question that is bothering me today.

Sino ka ba kasi talagang punyeta ka at bakit mo ako ginagawang baliw ha?

I'm sorry for the word, but... Gulong-gulo na ako!!! Ano ba?!

But I will let it pass today. Baka kasi hindi ko lang sya maalala or what... Pero sigurado talaga ako eh! Hindi ako pwedeng magkamali!... Ugh! Whatever!

Bumaba na ako sa kusina ng nakabusangot ang mukha. Naabutan ko doon si Mama na naghahain at si Papa naman na nagkakape.

"Good morning Ma, Pa" sabay halik ko sa pisngi nila.

"Mm. Good morning" si Mama

"Good morning anak" si Papa

"Wala ka pong pasok, Pa?" uminom muna sya ng kape bago sumagot.

"Wala" I nodded. "Since wala akong pasok ngayon at wala naman akong gagawin, pwede bang magpaint tayong dalawa?"

"Sure, Pa!" I immediately answer that made him smile.

"Maddie, bakit tanghali ka na atang nagising?" tanong ni Mama. Napakamot tuloy ako sa batok ko.

"Uh... Hehe... Ahm..." I said. Hindi alam ang sasabihin.

"Hmm... Nanood ka na naman ng K-drama hanggang madaling araw hano?" she said. Well... She's right but that's not the only reason. Kagabi, I kept on thinking of his face... Again. But like the usual days, I only sees blurred things... Again.

"Uh... Hehe..." I said. Not wanting to get arrested but in the end, I gave up. I nodded, shyly.

"Nako! Dapat masanay ka ng maagang gumigising. Pasukan nyo na sa isang buwan ah!" she said that made me remember one thing, HINDI PA PALA AKO NAKAKAPAG-ENROLL! Hayst!

"Hala, oo nga pala! Hindi pa po pala ako nakakapag-enroll. Pa, sorry ah. Baka hindi kita masabayan na magpaint" nahihiya kong sabi.

"It's okay anak. Ahm... Kung gusto mo, samahan na kita?"

"Nako Pa, wag na po. Kaya ko na po ang sarili ko"

"No. I insist. Sasamahan kita"

"Pa, it's okay. Ako nalang po"

"Ok ganito nalang, sasamahan kitang mag-enroll tapos pagkayari mo, magpi-paint tayo ok?" he said. I smiled at him.

"You're the best, Pa" I said and hug him tightly from the back. He tapped my arms for response.

"Sige na, kumain ka na jan. Tapos na rin ako, hihintayin nalang kita" sinunod ko nalang ang sinabi nya.

"Ahm... Asan nga po pala sila Ate at Kuya?" tanong ko.

"Ang Ate mo, pumasok na sa trabaho. At yung Kuya mo naman... Ewan ko, baka lumayas na" si Mama ang sumagot. Natawa nalang ako sa sinabi nya.

Ewan ko ba pero pagdating kay Kuya parang wala silang pakialam. Wag nyo sanang mamasamain ang pagkaka-describe ko pero ganun talaga eh. Maluwag sila kay Kuya. Sobrang gala kasi nya kaya hindi na rin ako magtataka kung isang araw mabalitaan nalang namin na nasa Mars na pala sya. Oo, ganun kalala Brad! Iniisip ko rin kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya kapag nalaman nya 'to? Siguro itatanong nya sa sarili nya kung ampon lang ba sya. Don't worry Kuya, gwapo ka kaya hindi ka ampon. Kapatid kita eh. Nasa lahi natin yan! But aside from all of it, I know that they are like that because they trust Kuya. Ganun din kalaki ang tiwala nila na hinahayaan na syang magdesisyon sa sarili nya.

The man I saw in my dreams Where stories live. Discover now