Chapter 30

65 4 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas mula nung huli kaming nag-usap ni Zane. Hindi na ulit nag-krus ang landas namin at napagdesisyunan ko na mag-focus na ulit sa trabaho at sa aming dalawa ni Janix.


"I'll be leaving for my one-week convention in US next week, are you still coming with me?" tanong sakin ni Janix habang sabay kaming kumakain ng hapunan.


"Yeah, I'll file my leave tomorrow." Sabi ko sa kanya ng nakangiti at saka nagpatuloy sa pagkain.


Nandito ako sa office ko ngayon dahil plano ko munang tumanggap ng consultations. Dala ko na rin ang letter ko para mag-leave ng isang linggo at napag-pasyahan na ipasa muna ito bago magpapasok ng pasyente.


Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Architect Mañago na kalalabas lang sa isang consultation room.


"Dr. Escovel, glad to see you here." Sabi niya sakin habang nakangiti.


"Yesha na lang itawag mo sakin. Ano palang ipinunta mo dito Architect Mañago?" tanong ko naman sa kanya at sinuklian rin siya ng ngiti.


"If I'm calling you Yesha, then, you should call me Tia. Nagpakonsulta lang ako sa OB doctor for family planning. You know, medyo matanda na ako and I need some advice for pregnancy lalo na ngayon na ikakasal na ako." Sabi niya sa masayang tono.


"You're getting married?" gulat na tanong ko sa kanya.


"Yeah, Zane proposed to me." Sabi niya sabay pakita sakin ng engagement ring na suot niya sa kanyang daliri.


"Wow, congrats. So, kasama mo si Zane ngayon?" tanong ko naman sa kanya.


"No, he went home sa province niya kasi mag-aayos na siya ng mga papeles sa tirahan at ari-arian na naiwan nila ng pamilya nila. We're migrating to US. We're leaving this weekend and doon na rin kami magpapakasal." Paliwanag naman sakin ni Tia.


"Oh, I see. Congratulations sa inyo. I'm very happy for you both." Nakangiting sabi ko sa kanya.


"Thank you Yesha." Pagkasabi niya nun ay tinanguan ko siya.


"No, I mean it. You were the one who pushed him to work in North Carolina, where we met and became colleagues. That time, I knew I had no chance because he was so in love with you back then. But after you two broke up, I took that chance to get closer to him and eventually it all worked out." 


Nagulat ako sa sinabi ni Tia, hindi ko alam na matagal na pala silang magkakilala ni Zane. They already knew each other habang kami pa.


"He was so broken when you left him Yesha. To the point that he was beyond repair. Pero hindi ko siya sinukuan, I stayed with him hanggang sa maging maayos ulit siya." Napansin ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata.


"Pareho lang naman siguro tayo ng gustong mangyari Yesha, yun ay ang makita siyang maging masaya." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saving YeshaWhere stories live. Discover now