Chapter 9

56 3 1
                                    

Inabot ko yung baso na punong-puno ng alak at nilagok hanggang sa tuluyang maubos ko yung Smirnoff.


"Uhaw na uhaw ka girl. Kasisimula pa lang ng game natin, shot ka agad." Sabi ni Daph habang pinanliliitan ako ng mata.


"Hindi niyo ako mapapaghubad. Malasing man ako pero uuwi ako ng kumpleto ang suot ko." Wala akong choice kasi literal na apat na piraso lang ang suot ko. Tank top, high-waisted pants, panty, and bra.


"Pwede mo naman kasi sagutin yung tanong, di naman ganun kahirap yun." Narinig kong sinabi ni Daphney sa gilid pero di ko na siya pinansin.


Inikot ko na yung bote at tumapat kay Daph kaya turn ko na para tanungin siya.


"Okay, Daph. Sa kanilang tatlo" sabay turo ko isa-isa kay Achi, Zane, at Miko.


"Who would you date?" ngumiti ako kay Daph nang nakakaloko. Obviously, kasi alam ko naman ang sagot niya.


Pinanlakihan niya muna ako ng mata bago ininom yung laman ng baso at inubos niya rin ng one shot lang.


"Uminom ka pa, alam naman namin yung sagot." Sabi ko sabay tingin kay Achi.


"Eh bat tinanong mo pa, alam mo na pala yung sagot." Pagalit naman na sabi ni Daph.


"Di namin alam, sino ba?" curious na tanong ni Miko. Napatingin naman sa kanya si Achi na medyo kinakabahan.


"Well, it's not my truth to share. So, Daph care to share sa ating mga friends from engineering department." Nakangising tanong ko kay Daph.


"Okay, fine. First year pa lang kami, crush ko na si Achi." Yun yung mga panahon na akala namin straight si Achi. Very masculine kasi siya manamit at kumilos. Tapos sobrang gwapo pa niya, hindi lang si Daph ang nagkagusto sa kanya nung freshie days namin.


"So nung second year na kami, nagkaroon ako ng courage to ask him out. Nanood kami ng sine and then dinner after. Doon ako umamin kay Achi na gusto ko siya." Napansin ko na parang medyo tumahimik yung paligid nang biglang magsalita si Achi.


"At doon rin ako umamin na bi ako. Kaya naging friends kami ni Daph after that day." Sabay ngiti ni Achi kay Daph.


Naalala ko pa yung araw na yun, naabutan ko si Daph na umiiyak at sinabi niya sakin na first time niya ma-reject. Pero sa sunod na araw, nakita ko na close friends na sila ni Achi. Ang bilis din naman mag-move on nito.


Paano kasi, ang bilis niya rin magkagusto, basta makakita ng gwapo, kumikinang na agad ang mga mata niya.


"Okay, back to our game," pagkasabi ni Daph ay pinaikot na niya ulit ang bote. Ngayon naman ay tumigil ito kay Zane.


"Zane...Zane..." sabay ngisi ni Daph kay Zane kaya napansin ko na napalunok si Zane sa kaba.


"Curious talaga ako, naka-ilang girlfriends ka na before?" bigla naman tumingin sakin si Daph pagkatanong niya nun.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now