Chapter 34

3.3K 281 106
                                    

                                                                                         TAKSIL

                                   Lahat ay halos sabay-sabay na napatingin ng pumasok si Bengbeng sa kusina kasama si Angelo.

" Bakit kasama mo 'yan?" galit na tanong ni Digo," hindi ba kina Mang Berto nakatira 'yan?"

" Saan natulog 'yan kagabi?" usisa naman ni Itoy," magkatabi kayo?"

" Ako ang katabi ni Bengbeng sa pagtulog," sabat ni Dita na noon ay papasok na rin sa kusina," Sa sala natulog si Angelo."

" Bakit nagtatago 'yan dito?" tanong ni Itoy," natatakot na doon sa kanila?"

"Ako ang nagdala sa kanya dito," sagot ni Bengbeng," wala na silang kasama doon sa kabila. Inubos na ng engkantong itim."

" Akala ko ba matatapang ang mga 'yan?," sabi ni Itoy," engkanto lang natakot na sila?"

"Good morning po,"

Napalingon ang lahat ng pumasok si Paula sa pintuan.

" Siya si Pola," sabi ni Tarik na noon ay kasunod ni Paula na pumasok sa kusina. " Natakot din  siya sa kabila kaya dito natulog sa atin. "

"Dito sa atin?" tanong ni Dasig," hindi ko siya napansin."

"Kasama namin siya sa kuwarto ni Bengbeng," sabi ni Dita," naawa naman kami at natatakot na bumalik sa kanila. Nakita niya mismo kung paano pinatay ang kasama niya."

Biglang itinulak ni Itoy si Dasig sa upuan at doon pinapaupo si Paula.

"Dito ka na Pola sa tabi ko," sabi ni Itoy," Mauubusan ka ng ulam kapag sa kanila ka tumabi."

"Salamat," nakangiting sagot ni Paula. 

Sinulyapan ng dalaga si Angelo habang umuupo siya ngunit agad din niyang binawi ng mapansin na nakatingin sa kanya si Bengbeng.

"Kain ka ng kain," sabi ni Itoy habang inuusog ang mga plato ng pagkain patungo kay Paula.

"Salamat, ang dami naman nito," sambit ng dalaga.

"Basta kainin mo lang," sagot ni Itoy,' kapag hindi mo kinain 'yan, ikaw ang kakainin ko."

"Ganun," nakangiting sagot ni Paula," bakit, aswang ka ba?"

Muntik ng mabilaukan si Dasig nanoon ay umiinom sa tabi ni Itoy ng marinig ang sagot ni Paula.

"Ay naku, huwag mong pansinin 'yan si Itoy," sabat ni Dita," palabiro talaga 'yan. Kumain kayo ng mabuti."

" Tama, kumain kayo. Magsasanay pa kayo mamaya," sabat ni Tarik.

"Kain na po kayo," sabi ni Paula," sabay sabay na tayo."

"Mauna na kayo, may pag-uusapan pa kami ni Berto," sagot ni Tarik," nandiyan siya sa labas."

Halos hindi makakain si Itoy habang palihim nitong sinusulyapan si Paula. Naamoy niya ang natural na bango ng dalaga at halos tumulo ang laway niya sa pananabik.

                  Sa labas ng bahay, kausap ni Tarik si Labro .

"Diyan pala natulog si Pola sa inyo," sabi ni Labro," Umalis 'yan kagabi at hindi nagpaalam. Hinanap ko pa siya kagabi. Natunton ni Itum ang kanyang dinaanan at nakita ko nga na dito sa inyo pumunta kaya hinayaan ko na lang."

"Sinundo kasi ni Bengbeng si Isog, natakot yata si Pola na baka dumating si Lagalag kaya sumunod dito sa amin," sagot ni Tarik.

" Kung doon lang siya natulog sa amin, wala na ang takot niya pagkagising niya ngayong umaga," sagot ni Labro. "May katigasan din ng ulo ang batang 'yan."

Ang Huling PakikipagsapalaranWhere stories live. Discover now