Chapter 12

3.6K 274 50
                                    

                                                                                             TIRADOR

     Nagmamadaling naglakad patungo sa kanyang room si Joshua. Bago pumasok ay inikutan niya ang mga tinatambayan nila ni Angelo. Inisa-isa niya ang mga maaaring nakakita kay Angelo ngunit sa kasamaang palad, ni isa sa mga kaibigan nila ay walang nakapansin sa kaibigan.  Ngayon ay halos tiyak niya na may kinalaman ang dalawang lalaki na sinabi sa kanya ni Angelo sa telepono.  Ilang  katanungan ngayon ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Sino ang dalawang lalaki ?

 Ano ang kailangan nila kay Angelo?

May kinalaman ba ang mga ito sa kanyang mga nakalaban kina Mario?

Kasama kaya ito ng mga sumunod sa kanya sa bus terminal?

Biglang naisip ng binata na tawagan si Mario. Agad niyang kinuha ang celphone sa bulsa upang tawagan ang kaibigan. 

Ilang beses nag ring ang telepono ni Mario bago niya ito nasagot.

" Hello Josh, napatawag ka?"

"Mar, kumusta na diyan?"

" Okey lang. Medyo puyat. Naglamay ako kagabi kaya hindi ko agad nasagot telepono."

" Pasensiya na Mar, naistorbo ko yata tulog mo," sabi ng binata, " may itatanong lang ako."

" Okey lang. Tanghali naman na. Ano itatanong mo?"

" Kumustahin ko lang yung mga suspects sa pagkamatay ng pinsan mo, yung mga nakita ko sa parking lot, nahuli na ba sila?"

" Wala pa kaming balita," sagot ni Mario., " sabi kasi ng mga pulis, ipapatawag kami 'pag nahuli na. Hanggang ngayon hindi pa kami tinatawagan. Malamang hindi pa nahuhuli."

" Pakisuyo naman Mar, paki follow up sa mga pulis," sabi ni Joshua, " tapos balitaan mo ako agad. Baka kasi bigla akong ipatawag, kailangan mapaghandaan ko."

" Okey,walang problema," sagot ni Mario, " puntahan ko mamaya. Ligo lang ako."

                         Biglang kinabahan si Angelo ng makita ang nilalang sa kanyang harapan. Sa unang tingin niya, inakala niyang nakasuot ito ng costume ngunit ng titigan niya ito ng mabuti ay natiyak niyang totoo ang nakikita niya.

" Putek, kung ito yung Etik, ito yung kausap ko kanina sa sasakyan," sambit ni Angelo, " ganito ba talaga ang itsura nito?"

Ang una niyang napansin ay ang mahahabang ngipin nito na nakalabas sa malapad nitong bibig. Kaiba ito sa mga pangil na nakikita niya sa mga bampira sa pelikula kung saan dalawang pangil lang ang nakausli, ang nasa harapan niya ngayon, lahat ng ngipin sa harapan ay mahahaba, ibaba at itaas. 

" Lahat ng ngipin nito, puro pangil," bulong ni Angelo sa sarili," isang sagpang lang, putol ang leeg ko."

Ang napansin niya pang kakaiba dito ay ang tila mga kutsilyo na nakausli sa magkabilang braso nito paakyat hanggang sa siko.  Ganundin ang makikita sa likod ng mga binti nito.  Sa dulo ng mga kamao nito ay nakausli ang  tila matalas na karit.

Tila galit na galit si Etik. 

Nanlilisik ang mga mata nito at tumutulo na ang laway habang nagangalit ang mahahabang ngipin na parang gustong sagpangin ang kaharap. Ang tanging pumipigil lang dito ay si Tikboy.Kahit ano ang gawin nito ay hindi ito makakilos.

"Handa ka na ba?" tanong ni Labro kay Angelo,"  Ilabas mo lahat ng husay mo at galing sa pakikipaglaban dahil kung hindi, lalapain ka ng buhay ni Etik."

Ang Huling PakikipagsapalaranWhere stories live. Discover now