Chapter 22

3.4K 275 38
                                    

                                                                                 PANLILINLANG

           Hindi makapaniwal si Tarik sa ikinuwento sa kanya ng mga anak-anakan.

" Nakalaban ninyo si Lagalag? Sigurado kayong siya talaga?"

" Opo Tay, " sigurado ako," sagot ni Itoy," Kabisado ko ang amoy niya at hindi ako puwedeng magkamali."

" Huwag kayong mag-alala 'Tay," sabat ni Dasig, " inilibing na namin siya sa ilog."

" Inilibing?" hindi pa rin makapaniwala si Tarik sa naririnig, " Napaslang ninyo si Lagalag?"

" Kahit anong labas niya ng iba-ibang sandata, hindi siya umubra sa amin," sabat ni Agut, " Kay Kuya Digo pa lang, hirap na hirap na siya."

" Totoo ba Digo? Natalo ninyo si Lagalag?"

" Opo," sagot ni Digo, " Sinubukan niyang tumalon sa tubig ngunit nahabol namin siya. Bago pa siya makaahon, tinakpan na namin siya ng malalaking bato."

" Hindi ninyo nakita ang kanyang bangkay?"

" Nandoon lang 'yun sa ilalim ng tubig, natatakpan ng mga bato," sagot ni Itoy, " Kung gusto ninyo, balikan namin bukas para makuha namin bangkay niya."

" Hindi ba mabaho na yun?" tanong ni Agut, " Isang araw ng nakababad sa tubig?"

" Gusto daw makita ni Tatay eh," natatawang sabi ni Itoy, " Kuhanin natin bukas."

" Wala bang nasaktan sa inyo?" tanong ni Tarik.

" Medyo napuruhan niya si Agut pero okey na siya ngayon," sagot ni Digo, " matibay 'tong si Agut."

Natatawang hinawakan niya sa ulo si Agut at ginulo ang buhok nito.

"Ano ka ba kuya?" sagot ni Agut sabay tabig sa kamay ni Digo," Kung hindi lumubog sa tubig 'yun at inabutan ko, lalapain ko talaga 'yun."

" Lalapain talaga ha," kantiyaw ni Dasig, ' para ka ngang lasing maglakad kanina eh. Ganito o."

Pasuray -suray itong naglakad na animo lasing at ginagaya si Agut habang nagtatawanan naman ang iba.

" Sige na, magpahinga na kayo," sabi ni Tarik, " Kung may maramdaman pa kayong sakit, tawagin ninyo si Bengbeng."

"Opo Tay," halos sabay-sabay na sagot ng mga ito at  naghaharutan pang pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ng mga anak ay mabilis na tinungo ni Tarik ang bahay ni Labro upang ibalita dito ang ikinuwento sa kanya ng mga anak.

"Narito si Lagalag?" hindi rin makapaniwala si Labro sa narinig," ano ang ginagawa niya sa Bundok Mari-it?"

" Hindi ko rin alam ngunit napaslang daw siya ng mga bata," sagot ni Tarik," naroon daw siya sa ilog at tinakpan nila ng mga bato habang nasa ilalim ng tubig."

" Ibig sabihin hindi siya napaslang ng mga taong inutusan mo?'

"Kakausapin ko pa si Rigor tungkol sa bagay na iyan," sagot ni Tarik, " Wala pa siyang ibinabalita sa akin hanggang ngayon kaya malamang ay hindi nga nila napaslang. Hindi na magpapaligoy-ligoy ang mga 'yun sa pagkuha ng salapi kung napaslang na nila si Lagalag."

" Kung magsasama-sama nga silang apat, maaaring talunin nga nila si Lagalag," sambit ni Labro, " May nasugatan ba sa mga nak-anakan mo?"

" Si Agut lang daw ang kanyang napuruhan ngunit magaling na ito ngayon," sagot ni Tarik, " Sabagay kung iisipin mo, kapag sabay-sabay sumugod si Digo, Itoy at Dasig, kahit si Lagalag ay sadyang mahihirapan. Balak ng mga bata na puntahan uli sa ilog kung saan nila inilibing si Lagalag upang kuhanin ang kanyang bangkay. Balak ko sumama upang makita ang kanyang bangkay."

Ang Huling PakikipagsapalaranOnde histórias criam vida. Descubra agora