Chapter 11

3.8K 256 44
                                    

                                                                                          KIDNAP

                              Pinakiramdaman ni Angelo ang sarili habang nakatali ang kanyang mga kamay at nakapiring ang kanyang mga mata. Alam niyang nasa isang sasakyan siya at kasalukuyang tumatakbo ito.  Huli niyang naalala ay naglalakad siya pauwi ng biglang  humarang sa kanyang daraanan ang dalawang lalaki na inakala niyang hindi na sumusunod sa kanya. Pagkatapos noon ay wala na siyang maalala sa mga nangyari. Nagkamalay na siya na nandito na sa loob ng tumatakbong sasakyan.

Iginalaw niya ang mga paa at nalaman niyang hindi nakatali ito. Ibinuka niya ang mga ito at naramdaman niyang may tinamaan siya.

"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?"

Boses ng isang babae. 

Hindi lang pala siya ang kinuha. May iba pa siyang kasama sa sasakyan. Ito siguro ang naramdaman niyang ibinagsak sa tabi niya kanina.

" Pakawalan ninyo ako dito!," muling sigaw ng babae.

" Pakawalan ninyo kami!"  sigaw din ni Angelo, " hindi kami mayaman. Nagkamali kayo ng kinidnap!."

" Tumahimik kayo diyan kung ayaw ninyong ihulog ko kayo sa kalsada habang tumatakbo 'tong sasakyan!," banta ng isang boses ng isang lalaki.

Naramdaman ni Angelo ang pagsagi ng paa ng katabi sa kanyang binti. Mayamaya ay naramdaman niyang tumatabi ito sa kanya.

" Kinidnap ka rin ba?" mahinang tanong nito sa kanya. 

" Oo," sagot ni Angelo, " ikaw din?"

" Oo. Alam mo ba kung saan tayo dadalhin?" Nasaan na kaya tayo?"

" Hindi ko alam," sagot ni Angelo, " nakatakip mata ko."

" Ako din. Ano kaya kailangan nila sa atin? Bakit nila tayo kinidnap?"

" Hindi ko rin alam," sagot ni Angelo, " hindi namin kami mayaman. Wala silang makukuha sa akin. Yung tita ko matutuwa pa'yun 'pag nawala ako. Mababawasan palamunin niya."

" Kami rin hindi mayaman. Kung hindi pera, ano kailangan nila sa atin? Bakit nila tayo kinuha?"

"Baka organs," kaswal na sagot ni Angelo, " Nabalitaan mo ba yun? Binebenta daw yung puso, atay, kidney sa mga mayayamang may sakit. Healthy ba organs mo?  Yung sa akin kasi baka lalong magkasakit makakakuha. Kahit gawing bopis hindi na mapapakinabangan."

Hindi sumagot ang babaeng kanyang kausap. Naisip ni Angelo, kung hindi ito kinabahan sa kanyang sinabi, malamang ay nainis ito.

" Joke lang,' bawi ni Angelo, " Hindi daw totoo 'yun. Saka yung nangunguha  ng organs, nakasakay sa puting van. Mukhang sa trak lang tayo isinakay. Masakit na puwet ko katatalbog sa sahig tuwing malulubak."

" Sure ka?" 

" Sana hindi nga totoo," sagot ni Angelo, " Ang masama pa nito, baka mamaya small time lang 'tong nakakuha sa atin kaya wala pang van. Tapos, bibiyakin tayo, gamit lang lagari, o kaya paet saka martilyo."

Hindi uli nakakibo ang kanyang kausap.

" Masyado kang seryoso," sabi ni Angelo, "Pinapatawa lang kita para mabawasan kaba mo."

" Hindi  ka  nakakatawa,"sagot ng kausap niya.

" Sorry, parang nakasanayan ko na kasi," sagot ni Angelo, " Pag nasa ganitong sitwasyon kasi ako, hindi ko siniseryoso. Pampabawas ng stress . Pag stressed ka kasi, hindi ka makapag-isip ng mabuti. Ako nga pala si Angelo. Ikaw, ano pangalan mo?"

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon