Chapter 33

3.1K 239 77
                                    

                                                                                            TAKAS 

Nabahala si Labro ng bigla siyang may maamoy sa hangin.

" Kailangang umalis na tayo," sabi nito," narito lang sa paligid ang kalaban. Naaamoy ko sila."

" Paano po 'yung kasama natin sa isang sasakyan?" tanong ni Angelo.

Hindi sumagot si Tarik at agad na naglakad pabalik sa mga sasakyan. Sumunod naman agad sina Labro, Angelo at Paula. 

Doon nakita ng dalawa ang bangkay ng isa sa mga tauhan ni Rigor na bumagsak sa ibabaw ng sasakyan. 

Hindi na rin nila naririnig ang putukan kaya malamang ay wala na rin ang mga tauhan ni Rigor.


"Hahayaan lang ba natin sila?" tanong ni Joshua," Puwede na natin silang sugurin ngayon at iligtas si Angelo at Paula."

"Huwag muna ngayon," sagot ni Alsandair," Tingin ko ay may iba pa tayong kalaban bukod sa kanila."

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Joshua.

Ipinaliwanag ni Alsandair ang mga nakuhang patunay kung saan walang nakitang paglabag na ginawa sina Tarik at Labro at kung paano siya lumabas ng lagusan katulong sina Danara, Pitta at Agape.

" Ibig mong sabihin ay alam nila na may magmamasid sa kanila?"

"Parang ganoon na nga," sagot ni Alsandair," Hindi ko alam kung paano nila nalaman ngunit walang ibang dahilan kung bakit ganoon ang ginawa nila. Nagpanggap silang tahimik na namumuhay dito sa inyong mundo."

" Ngayong nakita mo na ang mga nangyari, maaari ka ng bumalik upang ipakita sa kanila ang totoong nangyayari dito," sabi ni Joshua.

" Hindi na maaari,' sagot ni Alsandair," lumabag ako sa batas. Kapag bumalik ako ay agad akong dadakpin. Maaaring hindi nila pakinggan ang mga sasabihin ko. Mas mabuti kung tutungo sila dito upang dakpin ako. Maipapakita ko sa kanila ang totoong nangyayari."

                                    Habang nag-uusap sina Tarik at Labro ay agad nilapitan ni Paula si Angelo na tila dinamdam ang nalamang balita na patay na si Lagalag.

" Parang hindi ko talaga matanggap na patay na ang bestfriend ko,' malungkot na sabi ng binata," kahit hindi kami close ngayon, kaibigang matalik pa rin ang turing ko sa kanya."

" Huwag mo ng isipin 'yun," sabi ni Paula," baka mamaya hindi pala 'yun ang bestfriend mo."

"Paano mo naman nasabi?"tanong ni Angelo," akala ko ba nakita mong namatay?"

"Oo nga pero parang deserved niya yung nangyari sa kanya," sagot ni Paula.

" Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Angelo," karapatdapat siyang mamatay?"

"Alam mo bang tinangka niya akong gahasain?" sabi ni Paula.

"Ano?" Hindi magagawa ni Josh yun!," mariing sabi ni Angelo,"kahit nga manligaw, torpe yun, manggahasa pa kaya."

"' yun na nga ang sinasabi ko," sagot ni Paula," huwag ka ng malungkot. Baka mamaya hindi pala siya ang bestfriend mo, sayang lang ang luha mo sa kanya."

"Sabagay, kahit si Etik muntik na rin akong patayin," sabi ni Angelo," kaya lang habang naglalaban kami, pinana kami ng engkanto. Si Etik ang tinamaan."

"Sinadya niya 'yun," sabi ni Paula," Si Etik talaga ang pinana niya kasi pinoprotektahan ka niya."

" Paano mo naman nalaman 'yun?" sagot ni Angelo," Tingin ko ako ang isusunod niya kung hindi agad ako nakatayo. Pinana nga niya ako, muntik na yung paa ko."

Ang Huling PakikipagsapalaranWhere stories live. Discover now