Chapter 8

3.8K 305 81
                                    

                                                                          ANG UNANG ENGKWENTRO

                                         Sakay sa mga bisikleta, madilim na ng umalis ang magkaibigan patungo sa bahay nina Rico. 

" Sana hindi na tayo tumuloy,Josh, " reklamo ni Mario," Parang bigla akong kinabahan."

" Ang tagal mo kasi," sagot ni Joshua, " Akala ko uubusin mo lang yung sa plato mo. Humirit ka pa pala uli."

" Sarap eh," natatawang sagot ni Mario, " Malay ko bang marami pa palang natira sa kaldero. Sayang naman kung hindi uubusin. Wala ng kakain nun."

Ilang saglit pa at narating nila ang bahay nina Rico. Tuwang-tuwa ito ng makita ang dalawa.

" Ba't kayo bumalik? " tanong nito, " gagala uli tayo bukas?"

"Hindi na," sagot ni Mario, " Uuwi na yan si Joshua. May ibibigay lang daw sa 'yo."

Inabot ni Joshua ang jersey kay Rico.

" Ayan, remembrance ko sa 'yo." wika ng binata," Sigurado ka bang 'yan ang gusto mo? Medyo malaki sa 'yo yan at nagamit ko na. Kung gusto mo, ibibili na lang kita ng tama sa  size mo. Ipapadala ko na lang kay Mar."

"Okey na sa akin 'to Kuya," halatang tuwang-tuwa na sagot ni Rico, " Remembrance ko 'to sa'yo. Idol kaya kita sa paglalaro ng basketball."

" Lalo na kapag nakita mong nakipaglaban yan sa tournament ng martial arts," sabat ni Mario, " Galing niyan. Gold medalist 'yan eh."

"Talaga kuya? marunong ka ng karate?" tanong ni Rico, " Turuan mo 'ko."

"Sige pagbalik ko dito," sagot ni Joshua, "Tuturuan kita."

Bagamat kausap si Rico, nahalata ni Mario na tila may hinahanap ang kaibigan.

" Ate mo, nasaan?" tanong nito sa pinsan.

" Ma, si ate daw nasaan?" sigaw ni Rico sa ina na noon ay nasa kusina.

" Nagswimming," sagot ni Aling Anna," kasama yung mga barkada niya."

" Nag swimming pala Josh," sabi ni Mario," bukas pa uwi nun. Paano, uwi na tayo?"

Nakahinga ng maluwag si Joshua. Kung nasa isang resort si Joyce, baka hindi umatake ang aswang. Maliwanag sa isang resort at maraming tao.

" Kuya, pagbalik mo, turuan mo ko ng karate ha."

"Sige, walang problema. " sagot ng binata, " Taekwondo ang ituturo ko sa 'yo."

" Yes, lagot sa akin ang mga bully na 'yan sa school namin," 

"Auntie, tuloy na po kami," paalam ni Mario sa tiyahin. 

Lumabas sa kusina si Aling Anna habang nagpupunas ng mga kamay sa suot na daster.

"Akala ko ba hihintayin ninyo si Joyce?" tanong nito.

"Akala ko ho ba nag night swimming?" sagot ni Mario. " Malamang overnight yun."

" Hindi ko pinayagang magdamag siya doon.," sagot ni Aling Anna, " nakita ko mga hitsura ng mga kasama. Mga mukhang hindi gagawa ng matino."

" Anong oras po siya uuwi?"

"Pauwi na daw sabi sa text kanina pa," sagot ni Aling Anna,"Magpapahatid na lang daw sa motor nung kaibigan. Dapat kanina pa yun nandito."

Biglang kinabahan si Joshua sa narinig.

" Saan po yung resort?" tanong nito sa matanda.

" Diyan lang sa kabilang baryo," sagot ni Aling Anna, " Kung nagmotor yun, kanina pa yun dapat nakauwi. Saan na naman kaya nagsusuot ang batang yun?"

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon