6: IT'S GETTING HOT IN HERE.

123 3 3
                                    


Kitang kita ko ang amusement sa mga mata mo nang pumasok ako sa booth.

Akalain mo nga naman ,dito ko pa makikita ulit ang loko, I said to myself as I managed to act normal pero alam ko na natensyon ako sa presence mo.

Kung alam mo lang na gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko . Kalmado ang physical ko pero ang dibdib ko parang may nag-uunahang magtambol. Naisip ko nga nun kung naikwento mo sa co-worker ko ang encounter natin. But I doubt it. Wala naman sa itsura mo ang pagiging tsismoso well at least I hope na ganoon nga.

".....ma'am ano po mga naeexperience natin sa POS these past few days?....,"

I know you are pertaining to me but I don't let any urge to answer you back. Dahil baka ipagkanuno ko pa ang sarili ko at sumagot sayo ng nauutal ....dyahe naman un pag nagkataon.

".....well, sir. As usual tulad pa rin ng dati. Naghuhung then nag-o-automatic shutdown...," co-worker ko na ang sumagot with matching hawi pa ng buhok kahit hanggang balikat lang naman talaga ang hair niya.

Arte huh!, naisaloob-loob ko. I never had a liking sa mga maarteng babae but I can manage naman na makisama.

It was an awkward silence nang umalis ang co-worker ko. Hiniling ko pa nga noon na sana bumalik ito para kahit paano mawala ung awkwardness between us. But I thought to myself bakit naman ako mahihiya sa'yo.

Hindi naman ako ung makapal ang mukhang nagpabayad matapos tumulong.

"....So, dito ka pala nagwo-work?...," out of the blue mong tanong.

It was you who broke the awkward silence. Well wala ka naman talagang maasahan sa akin para simulan ang isang conversation. I am too reserve to speak lalo na sa mga taong di ko talaga kilala. But then I manage to reply may pagkapilosopo nga lang.

"...ay hindi ,....hindi ako nagtatrabaho dito. Pahabilin lang ako ng nanay ko dito....,"paingos kong sagot. You chuckle a little with a short peek at me.

"....pilosopo ka pala noh?...never thought you are. Kala ko kasi kasungitan lang alam mo....," you said na may halong tawa.

"...at least ako ganun lang. Hindi tulad ng iba dyan na may mga hidden agenda na matapos tumulong hihingi ng kapalit. Mas matindi naman ung ganun...,"

I never intent to be sound rude pero hindi ko na napigilan ang bibig ko. And from right there nakita ko ang pamumula ng mukha mo.

But honestly, di ko talaga mapigura kung anu ang nasa isip mo noon pero na aamuse ako sa itsura ng mukha mo. Di kasi mahinuha kung matatae ka o nagpipigil ka ng utot mo. You seem lost that day. You just typing something on the keyboard but you seem not focus on what you are doing.

"....I had reasons kaya ako uhmm..alam mo na. Pero importante pa ba un? Nailigtas ko naman ang buhay mo eh di ba? Gusto mo bang kinabukasan eh laman ka ng mga dyaryo at may caption na ,'ISANG CASHIER NATAGPUANG PATAY SA ISANG WAITING SHED!'," with matching hand gesture mong sagot. Then you laugh as if naman na nakakatawa un.

"...eh di wow!..,ikaw ng superhero. Dapat tawag sayo ,SUPER MANG JOSE,..," nanggagalaiti kong sagot.

"...and why is that so?...."

".....kasi ikaw ang superherong pagkatapos magligtas bigla kang sisingilin...."

"....huh? Anung connect? Di ko gets?..." kunot noong mong tanong habang ako naman kumukulo na ang dugo. May katangahan ka din palang taglay.

"....slow kuya? Ang tinutukoy ko ung kanta ng Parokya ni Edgar na Mang Jose....aba'y matindi! Pareho na yata kayo ng computer na yan ..slow...."naiinis ko ng sabi. Kung alam mo lang kung gaano ako kaiyamot sa iyo ng araw na un. Grrrr...mababatukan kita ng di oras.

"....ha ha ha ha, un ba un? Pambihira, joke pala un...ha ha ha. Sorry naman. Pagpahiwatig ka naman kung magjojoke ka ha? Para may nakahanda na akong tawa. ...." You laugh heartedly as if nasa iyo ng lahat nang saya ng mundo habang ako naman nagngingitngit sa sobrang inis.

"....hoy! FYI lang hindi un joke. Insulto un. Narinig mo! Insulto un! At para un sa'yo! At bakit naman ako magjojoke ? Bakit may nakakatawa sa sitwasyon natin?" halos pasigaw kong sambit. Pakiramdam ko nun para akong sasabog sa sobrang inis.

"...chill lang....relax lang tayo, ok? Malay ko bang di pala un joke. Sorry medyo slow nga ako pagdating sa mga ganyan. Pero as I said kanina may reasons naman ako kung bakit ako nagpaka....well...as you said nagpaka MANG JOSE that time. Ewan ko lang kung pasado sa iyo reasons ko....," malumanay mong paliwanag. Hanggang ngayon di ko maisip kung bakit naging ganon na lang reaksyon ko. Siguro ayaw ko lang talagang pinagtatawanan ako.

Naisip ko lang noon, bakit ko pa nga ba pinapalaki ang issue ng pagiging Mang Jose mo? Di ba dapat magpasalamat pa nga ako na walang nangyaring masama sa akin ng gabing yun? Na kahit nagpabayad ka buo pa rin akong nakauwi sa aming bahay.

At sa isang iglap may naalala ko.

"....bayad ka na miss..,binayaran na nang boyfriend mo ung pamasahe mo...at eto pala oh....pinabibigay sayo...pagkain yata yan binili niya sa carinderia. Mahal na mahal ka talaga nang boyfriend mo, anu?..."










>>iamneon

Once There Was You (On-going/editing) Where stories live. Discover now