9: MISCOL

52 3 0
                                    

"..Ewan ko ba kung bakit lagi na lang akong nagpapadala sa mga biro. Siguro dahil sa masaya lang sa pakiramdam. Umaasa kahit wala naman talaga..."

******

Day off.

Yan ang hinihintay kong araw sa buong linggo . Isang araw na walang stress. Isang araw ng paghilata at pagtunganga sa tv. Isang buong araw ng walang sakit sa ulo.

Iyon ang inakala ko nung araw na iyon.

"....Isang miscol mo lang ako'y nabubuhay sa isang pangarap....," ringtone ng cellphone ko.

1 Missed Call. Unknown number.

" Sino na naman kayang hinayupak to'? Unknown number? Siguro ibinigay na naman ng mga un ung number ko kung kanino. Pambihira!..." nagmamarakulyo kong naisaloob.

Kahit na ilang beses na nilang ibinibigay kung kani-kanino ang number ko , naiinis pa rin ako. Mga atrimitidang katrabaho ko na hindi man lamang namimili kung kanino ibibigay ung number ko. At iisa lang ang dinadahilan nila kung bakit nila ipinamimigay ang number ko...un ay para magkaroon na daw ako ng boyfriend.

Isang instant boyfriend.

Pero ako ayokong sumabay sa uso. Ayoko ng instant. Ayoko ng madalian. Ayoko ng basta-basta lang.

Anim na miscol din bago nagsawa sa pagtawag ang anonymous caller na un. Wala ni isa akong sinagot sa mga tawag na un. I don't have time to entertain that crap besides it was just a waste of time.

Ni hindi ko rin nitext wala kasi naman akong load that time.

At sa pagtatapos ng day off ko na iyon , inaabangan ko na ulit ang susunod kong day off.

*******

Sa kasamaang palad hindi rin nagsawa sa pangungulit ang anonymous caller na iyon. Patuloy pa rin ito sa pagtawag kinabukasan. Nakasampung beses yata itong tumatawag sa loob lamang ng kalahating araw.

Pero ang lahat di dapat pinagsasawalang-bahala dahil ang di natin inaakalang mahalaga , minsan importante pala.

1 New Message Received.

Sender: 093048*****
09:40 am February 5 ,2013

Sino naman kaya to'? Bago na naman? Napakunot nuo ako ng basahin ko ang nilalaman ng text.

Pkisagot po ng call frm J&B po ito,ani ng text.

Kasabay noon bigla na namang tumunog ang cellphone ko. At doon ko na nga napagtanto na taga J&B pala ang makailang tumatawag sa akin.

Halos batukan ko ang sarili ko noon. Katangahan talaga pag sumingga mas malala pa sa kabobohan.

Kaya bago pa ang lahat, dagli ko ding sinagot ang tawag . Wala pa yatang ilang segundo kong nailalapat sa tainga ang cellphone agad ko itong inalis sa pagkakalapat. Grabe halos maalis ang mga tulele ko sa halos pasigaw na bati ng kausap ko. Pero hindi pagbati ng may galak kundi may halong inis, taray at may bahid galit ang boses ng kausap ko.

"Grabe naman kayo ma'am ,kahapon pa ko tawag ng tawag sa inyo pero hindi n'yo naman sinasagot!" halata talagang nagpupuyos na sa galit ang kausap kong iyon.

“ Sana man lang sinagot n'yo man lang kahit isa lang sa mga tawag ko! Wala na akong nagawa kahapon sa kakatawag sa inyo..! Sana nagbigay man lang kayo ng kaunting panahon para di nasayang ung oras ko!”

Ouch! noon lang ako nasigawan sa phone.

Natigilan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. May karapatan nga s'yang magalit pero malay ko ba na sila ang tumatawag. But first thing first. Kung ikaw ang unang nagkamali ikaw na ang unang humingi ng ano man ang dapat ang hingin at un ay ang mag-sorry.

“ Sorry po talaga, hindi ko po alam na kayo ang tumatawag. Day off ko din ko po kasi kahapon,” tugon ko in my most pleasing voice.

Narining kong isang malalim na hinga ang pinakawalan ng kausap ko bago nagsalita.

“ Pasensya na rin ma'am, nasigawan ko kayo...sorry," wala na ang mga pinaghalong negative emotion sa tinig ng kausap ko. Isang napakalalim at puno ng sincerity ang pumalit sa kaninang boses na pwede na yatang makapatay.

Nahimasmasan na yata.

Automatiko akong napangiti.
“ Naiintindihan ko naman po kayo. Kahit po ako mag-iinit ng ulo kung hindi agad sasagutin ung tawag ko,” ang nasabi ko na lang para di na humaba pa ang paliwanagang iyon.

“ Thank you, Ma'am,” malambing pa sa kambing na tugon ng kausap ko.

“ Welcome po, sir. By the way, pwede ko pong malaman kung sinong kausap ko ngayon for documentation lang po. And pwede ko rin po bang malaman kung sinong nagbigay ng number ko sa inyo? ”

Wala naman akong paki kung anong pangalan ng kausap ko. Kasi kahit naman sabihin niya pangalan niya malamang hindi ko naman rin siya kilala. Need ko lang talaga yon itanong para i-log in sa phonebook namin for documentation. Ang pinagtataka ko lang eh paano niya nakuha number ko though obvious namang baka isa sa mga kawork ko nagbigay sa kausap ko. Kaya lang ang hindi ko  maintindihan eh bakit ako tatawagan niya eh day off ko naman kahapon at alam 'yon ng mga ka-work ko. Kung tutuusin nga di opisyal yung pagtawag niya kasi yung number ko tinatawagan niya dapat yung number ng station ang tinawagan niya.

Narinig kong medyo tumawa yung kausap ko. Nagtaka naman ako.

May nakakatawa ba sa tanong ko?

“ Ah, ma'am,” pasakalye niya na sinundan na naman niya ng mahinang pagtawa. Nakakainis.
“ Ma'am, ako po yung personnel last time. If you remember, ako po yung nagligtas sa inyo mula sa mga lasing sa waiting shed. Binansagan n'yo din akong Mang Jose, ang superhero na pwedeng arkilahin na parang si Daimos din ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin. ”

Hindi mabilis magbago ang mood ko pero nang nagpakilala kang ikaw yan, mabilis pa sa kidlat na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Mula sa seryosong mukha, napaltan yun ng paglamlam ng mukha ko.
Dinagdagan mo pa yon ng inis nang sinabi mo pa yung lyrics ng Mang Jose.

“ Ah, ikaw pala 'yan,” matabang kong saad.

“ Yeah.

As if nothing happen ,masaya syang nagbibigay ng instruction through the phone tungkol sa computer na tinotopak ulit. Alive na alive ang boses nya na pati ako nahahawaan ng positiveness kuno which very unusual sa mga pessimistic na katulad ko at lahat yata ng nega sa katawan ko ng araw na un pansamantalang nawala. Very light and easy ang usapang iyon as if we really understand each other kahit na sa totoo lang may mga terminology s'yang binabanggit about sa computer na hindi ko na naman talaga naiintindihan. Oo lang ako ng oo.

We ended up saying good day and goodbye.

Ang nagsimula sa worst magtatapos pala sa much better na situation.

At ang moral lesson na I learned that day,

"......Ang mga taong suplada kahit sa anong sitwasyon minsan hindi nakakakilala ang mga taong gusto nilang makilala......"









~iamneon ~

Once There Was You (On-going/editing) Where stories live. Discover now