7: YOU'RE HOT AND YOU'RE COLD

52 3 0
                                    

Walang pasubaling, bigla na lang pumasok sa isip ko ang eksenang 'yon. Sa tindi yata ng mga pangyayari nakakalimutan ko ang mga highlight kumbaga ng isang eksena.

Pero bakit mo nga ba ginawa un? At sa puntong yun ko naitanong ko sa aking sarili? Ano nga ba ang dahilan?

But then suddenly.....

"....for all I know hindi ko naman talaga kinuha lahat ung 100. Di ba nga binili pa kita ng mami at pinagbayad pa kita ng pamasahe. So ang summation lang ng kinuha ko ay 45 lang. Thirty ung mami at ang pamasahe mo ay twenty-five total of fifty-five kaya lamang ka pa din. See? Di naman ako ganun ka Mang Jose tulad ng iniisip mo. More on Robinhood pa siguro.....," you said grinning.

"....bakit?...bakit mo pa nga ba ko binili ng mami at pinagbayad pa ng pamasahe?" naiintriga na talaga ako.

"...kasi gentleman ako..." nakakalokong mong sagot na may nakakalokong ngiti.

"....gusto ko ng matinong sagot... pwede ba?..." pataray kong sagot. Kung alam mo lang talaga na naiinis ako pag nangiti ka. O naiinis nga ba talaga ako?

"....ang hot naman nito....." napataas naman ang kilay ko sa nung sinabi mo un.

AKO.....HOT????

"...nag-iinit po ma'am.....ung computer nyo. Kailangan malakas pang air cooling system gamitin nyo para di ma-overheat ung POS....."

AKO.......ASSUMERA.

".....Medyo nainit nga yan...." padedma kong sagot.

".....irerecommend ko na maglagay kayo ng blower or kahit industrial fan para lang di sya mag over heat masyado....kulang kasi ung lamig dito.....masyadong hot....," ang sagot mong may kasamang ngisi.

".....ok...,"ang tangi ko na lamang na nasambit.


***

It was almost past 6 na rin ng gabi ng natapos ka sa pag-aayos kuno ng computer. Since then di ka na nagsalita pa.

And my question still hanging on the edge. Siguro nga I should not asking things you don't want to answer. But it was still .....WHY..?

".....kung di pa po kayo makakapagprovide ng mas malakas na cooling system ...tapatan nyo na lang po ng blower or industrial fan para di masyadong mag-iinit yung POS. Anyway ,wala naman po akong nakitang sira, nacorrupt lang po yung data kaya nag automatic shutdown bukod dun wala na pong problema ang POS... " paliwanag mo sa aming OIC.

Susme, ganyan din naman sinabi ng huling personnel na nagpunta dito. Kesyo ganito, ganiyan. Sinong niloko nyo! Magrerecommend na ganito ,ganyan pero halos lahat naman palpak.
Himutok ako ng himutok sa sarili ko habang kausap mo ang oic namin.

"...ibibigay ko na lang po personal number ko just in case na may mga question kayo....." dugtong mo pa habang pinapapirmahan ang job order mo sa aming oic. Tanging mga tango lang at 'ok' lang ang naisagot nito.

Marahil sanay na rin ito sa mga litanya ng mga SP na nagpupunta sa station at laging sa huli palpak pa rin ang kinalalabasan.

Sandali pa'y nagtungo na kayo sa opisina ng OIC namin kaya di ko na narinig ang iba n'yo pang pinag-usapan. Habang ako naiwan sa booth.

Abala na ako sa pag-aayos ng mga resibo ng mga creditors para sa araw na 'yon ng makarinig ako ng mahinang sutsot. Hindi ko na sana 'yon papansin kasi nga abala ako pero nakakairita na nga yung isang sutsot na sinundan pa ng ilang beses. Nainis na ako kaya nagpalingon-lingon ako para hanapin yung lokong sumususot. At presto!

Paglingon ko sa likod, nandun ka. Nakasilip. Ngiting-ngiti.

Bwisit.

Tinaasan kita ng kilay pero nakangiti ka pa rin.

" Byie," sabi mo.

Yun lang. Kaagad nawala yung ulo mong nakasilip.

Bwisit talaga.

Inis akong bumalik sa ginagawa ko.

Pero di pa man humuhupa ang inis ko, nadagdagan na yon ng ilang katok sa salamin sa harapan ng booth.

Inis at kunot-noo akong nagtaas ng tingin at sakto sinalubong ako ng mga ngiti mo.

Tinted ang salamin ng booth pero tagusan kitang nakikita mula sa loob. At alam kong alam mo 'yon.

Alam mong nakikita kita. Maging ang pagkaway mo habang nakaflash ang malacommercial mong ngiti.

Alam kong nakakunot ang noo ko nun at sobra ang inis na nararamdaman ko pero pag-alis mo, nang bumalik na ako sa ginagawa ko.....

.....b-bakit napangiti ako?

>>iamneon

Once There Was You (On-going/editing) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora