18: TRICYCLE

18 4 0
                                    

Anim na minuto na lang bago mag-ikasampu ng gabi. Sa dalang ng masasakyan, naiinip na rin ung ibang pasaherong naghihintay sa shed. Ako ang huling dumating kaya di ko alam kung ilang oras na sila naghihintay. Kung abutin man ako ng alas- onse siguro naman may makakasabay pa rin naman akong umuwi.

Dumaan pa ang ilang minuto at ako na lang ang natira sa shed. Ang totoo n'yan kasya pa naman ang isa sa kakaalis lang na trysikel pero mas pinili kong wag munang sumakay kasi nga hinihintay pa kita kahit nag-aalangan man kung sisipot ka ba o mang-iindian. Ganun ko kagustong ibalik ang cellphone mo. Pahamak eh.

Naupo ako sa bench malapit lang sa bungad ng shed, minamasdan ang nakapatay mong cellphone. Pagkatapos kasing tumawag ni Ms. Labanos, pinatay ko na (ung phone, hehe) baka tumawag ulit. Mahirap na.

Saktong namang pagtayo ko s'ya namang pagdating mo. Ang luwang luwang ng pagkakangiti mo nang makasapit ka sa shed. Mukhang may something.

Tumama sa lotto? O nanalo sa
DOTA?

"Hi, kanina ka pa? Pasensya na ngayon lang ako. Tagal kasi magdrive nung nasakyan kong van," di pa rin naaalis ang pagkaluluwang ng ngiti mo.

"Keri lang. Nasan na cp ko?" tipid kong sagot.

"Hmm....hmmm. Nagmamadali? Chill lang," tangan mo ang isang malaking paper at akmang may kukuhanin sa loob na biglang natigilan ka at muling ibanalik ito sa paper bag saka tinago sa likuran mo. Nakatingin ka sa direksyon ng isang babaeng bumababa sa isang van."Damn!" mahina ngunit malutong mong mura ng mapagsino mo kung sino ung bumaba sa van. Si Ms. Labanos.

" Baby Boy!" palahaw ng hitad sa pinakamataas na nota.

"Margaux! Hi!" bati mo ng may pilit na ngiti.

"Akala ko may pupuntahan ka lang kaya ka bumaba sa van. But you're here....and..Baby boy...is that your phone?" itunuro pa n'ya darili n'ya sa cellphone mo saka itinaas ang mukha n'ya para tignan kung sinong may hawak nito."So you must that girl...lesbi perhaps. Finally," saka n'ya ako tiningnan mula ulo hanggang paa saka pinagsalikop ang kanyang mga arms. At parang nanguuyam na ngumiti. Siguro nasatisfy s'ya sa kapangitan ko. Compared to her, sino nga ba ako? Wala. Walang-wala.

Sa suot pa lang n'yang dangling earrings at (________?)necklace na naadornohan ng mga swarovski crystals kapares din ng kanyang suot-suot na bangles, animo'y may parada ng mga dyamante. Sa kulay green n'yang tank top, sa sangdangkal na ripped short at sa 4 inch n'yang stiletto shoes kulang na lang ang red carpeted-ramp, rarampa na. Kaya sino lang ba ako?

Bakit nandito si Gigi Hagdid. No. Gaga Hagdid pala. Hehe.

" Margaux, hindi s'ya lesbian, ok. Di lang kayo nagkaintindihan kahapon. Look, mukha ba s'yang tomboy sa'yo?" singit mo na nagpataas sa kilay ng hitad.

Ano nga bang itsura ko ng gabing yon? Hmm.

Walang kasuklay-suklay ang hanggang balikat kong buhok. Pwede nang pagpritusan ang oily kong mukha. Kapansin-pansin rin ang grasa sa puting uniform ko dahil sa natapong lubricants habang nag-aayos ako nito. Maputik din ang sapatos ko dahil sa nadaanan kong danaw kanina. Sa madaling salita, magdadalawang-isip ka nga kung babae nga ba ako ng gabing iyon.

Nagpapatawa kang lalaki ka. Kutusan kita dyan eh.

"Girl na ba sa-..." naputol ang anumang sasabihin ni Ms. Labanos ng bigla mong hablutin ung cellphone sa mga kamay ko saka nagpatiunang nagtungo sa nakahintong van.

"Let's go Margaux. It's getting late. You should go home by now. Nakuha ko na ang phone ko kaya get in," may authoridad na utos na sabi mo saka binuksan ang pinto ng van.

Once There Was You (On-going/editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon