12: I DON'T WANNA BE YOUR FRIEND.

10 3 0
                                    

Huling araw ng March.

Alam ko galit ka sa akin dahil sa mga nasabi ko sa iyo sa text. Sorry kasi sayo ko naibuntun ang lahat ng inis ko sa mundo ng mga panahong yun. Tulad ka din ni Val, walang malay pero lagi na lang ikaw napagbubuntunan ng sama ng loob ko in a harsh way.

Kung alam mo lang sana noon kung anong pinagdadaanan ko, magagalit ka pa kaya?

Magagawa mo kaya akong damayan?

Magagawa mo kayang tanggapin ang mga angst at hatred ko?

Sana sinabi ko sa iyo ang lahat noon.

Sana.

******

You ended our friendship or may I say na ako naman talaga ang tumapos ng lahat.

Di ka na nagtetext. Wala naman akong pantext.

Di ka na tumatawag. Di naman ako nagloload pangtawag. Mahal kasi kahit unlicall pa.

Di ka na nagchachat sa messenger. Na di naman talaga kasi wala ka pang facebook nun.

Di na tuloy masaya. Kasi wala ka. Kasi ako. Ako 'tong gago.

Tama naman lahat ng sinabi mo.

Childish ako, makasarili, self-centered pero walang tiwala sa sarili at sobrang pessimistic.

And because of that you don't want me as your friend anymore.

I am pathetic in my own way. Nandyan na nga pinapakawalan pa.

******

Oo.

Hinintay ko ng mga sumunod na araw mga text mo, pero ni 'ha' ni 'ho', wala. Di rin naman kita masisisi kasi in the first place naman kasi ako itong gagong nagmataray.

Pero umasa ka ba na ako ang unang kokontak sayo?

O kaya naman ay hinintay mo din kayang magtext ako o magmissed call man lang?

Or kahit pm man lang sa FB?
Kahit wala ka namang FB.

Ako kasi, oo.

Ayoko sanang umasa pero pinagdasal ko.


*******

......"Isang miscol mo lang ,ako'y nabubuhay sa isang pangarap....."

"Hello?"

"ui, sorry na , galit ka pa ri-?"

"Hello po?"

"Ano po?
Di ko po maintindihan?"

"Sino po hinahanap nyo?"

"ay, wrong number po kayo. Opo. Di po ako un---, ok lang po, bye po."

Halos magkadarapa ako sa pagtakbo noon ng marinig kong nagriring fone ko. Kala ko kasi ikaw na, wrong number lang pala.

Nakakabaliw naman kasing maghintay.

Lalo na kung umaasa ka kahit parang wala na.

*******

April Fool's Day

"Plak!"

Di ko akalain na sa mismong araw na yun ako luluha ng sangkaterbang inis, yamot, galit at panghihinayang. Malas na araw ko na yata yun eh.



***************



"Sorry, neng. Di ko naman alam na nandun ung cellphone mo. Nasa pangwas kasi . Bakit kasi dun mo inilagay? Sorry naman."

Ang cellphone kong pinag-ipunan ng halos isang taon ayun kusang nagdive sa kati.

Basag ang screen hanggang loob.


Madami akong pwedeng ireact ng mga time na un.

Isang malakas na bigwas sa mukha.


Sabunot, hanggang matanggal anit.


O isang mala Manny Pacquiao na uppercut.



Yan lahat.Pwede.

Kung kaya ko lang.

Tss.....

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Basag na. Basag na basag.

****************

Natapos na ang buwan na iyon still iniiyakan ko pa din ang pumanaw kong cellphone. Sabi nga ng isa ko pang co-worker ,para daw akong nawalan ng boyfriend.

At sa pagkabreak na iyon ng cellphone ko, parang dalawang beses akong nawalan.




Isang libangan at isang kaibigan.


























~iamneon ~

Once There Was You (On-going/editing) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt