15: START OF SOMETHING NEW

61 3 0
                                    

" Living in my own world ,didn't understand that anything can happen if you get a chance..."



******


Simula ng gabing iyon may nagbalik at nagsimula.



**************




"....basahin mo bawat iispell ko.."

Isang gabing magkasabay ulit tayong umuwi at naghihintay ulit ng tricycle. At may kalokohan ka namang naisip.



"...ano na namang kalokohan yan?.."

"...basta. Wag kang kj...ha"

"...gue...shoot"

".ok...basahin mo T-W-A"

"....TU'WA'A..."

"....T-W-E..."

"...TU'WE'E..."

"....T-W-I..."

"....TU'WI'I...."

"...T-W-O..."

"....TU'WO'O..."

".....eeehhh!...mali!....TWO... kaya....hahahahaha..."

"hahahahaha...hahahaha...."

Sagad ang tawa mo noon. Maiyak- iyak ka pa nga . Parang bang wala ng bukas kung tumawa.

"....haaay...hahaha...dami kong tawa...mga beinte .hahaha..." sa tuwing magsasalita ka noon laging may karugtong na tawa. Ako naman napapatawa na rin. Buti na lang walang tao sa shed malamang kung meron napagkamalan ka ng baliw.

Sa tindi ng katatawa mo noon halos maglupasay ka na sa sahig with matching hampas pa sa bawat mahawakan mo. Ako naman giging nagtatawa habang nakaupo. Konti lang tawa ko para di mapagkamalang baliw katulad mo.



Hanggang sa .....




Kritt! May napunit.....


Sa tindi ng kakatawa mo, bumigay na ang suot mong slacks. Mula pundiyo pababa hanggang hita.



Ngayon pareho na tayong baliw sa kakatawa. Ung tawang kahit napigilan mo na, tatawa at tatawa ka pa din kapag nagkatinginan kayong dalawa.



Ilang oras ba tayong tumatawa? Limang minuto? Sampu? Ewan basta tawa lang tayo ng tawa.


".....pahiram ng jacket mo...,"saglit pa ay humupa na ng bahagya ang pagtawa mo at naisipan mo ng takpan ang punit.

Seryoso? Jacket ko? nag aalangan kong tanong sa sarili ko.

"....ayoko nga...," ewan ko pero personal property ko un eh.

"...please,...hahayaan mo na lang bang pasukin ako ng malamig na hangin?..." paawa effect mo pang sabi.

"..ayaw mo nyan...aircon....," natatawa kong sagot.

"...sisipunin ako...pati si juni-..."

"....hep....ok na...sige...eto na jacket ko....," putol ko sa alam ko ng sasabihin mo. Dali- dali kong hinubad ang jacket ko at binigay sayo.

"....thank you, my savior, my hero, my lo-...."

".....o ayan ng tricycle. Tara na. " nagutom yata ako sa kakatawa kaya nagmamadali akong sumakay sa tricycle.

"....wait...,"nagmamadali mong itinali ung jacket sa balakang mo pero sa totoo kita pa rin ung punit.

Di mo malaman kung paano ka uupo. Natatawa ako habang pinapanood ka.

"....ay! wag ka ngang tumawa...," medyo naiinis mong sabi.

"...wag ka kasing kabukaka. Ayan tuloy nasilip si ano mo....," sita sayo ng driver na kanina ka pa pala pinapanood .











Habang pauwi iniisip ko kung kukunin ko pa ba sayo ung jacket. And I decide iyo na . Bayad utang.














"....I never believed in what I could'nt see. I never open my eyes to all the possibilities. But now something has changed...."









~aimneon~

Once There Was You (On-going/editing) Where stories live. Discover now