Chapter 8 -- Fearless

417 5 0
                                    


CHAPTER 8 -- FEARLESS





BRYLLE'S POV


I just finished having dinner and I'm on my way to our grand staircase when I heard the telephone ringing. It keeps on ringing and ringing. Tinatawag ko ang mga katulong pero tila nabibingi na sila at wala ni isang lumapit. Kaya ako na lang ang sumagot sa telepono. Hinayaan ko munang magsalita ang nasa kabilang linya and to my surprise, it's Venice on the other line.




"Hello, Manang Fe, ikaw ba yan?" Tanong ni Venice sa kabilang linya. Kadalsan kasi si Manang Fe ang laging nakakasagot sa mga phone calls at malapit na din siya kay Venice. Hindi pa rin ako nagsalita. Gusto kong malaman ano ang kailangan niya.




"Manang Fe, is Bryant there?" Umakyat ang dugo sa ulo ko nang malaman si Bryant ang hinahanap ni Venice. "Pakisabi naman ho sa kanya nandito na ho ako sa The Lovetier at hinihintay siya. I've been calling him on his phone, but it just keeps on ringing. I wonder what happened." Malungkot na sabi niya.



Anak ng tipaklong talaga ang kapatid kong 'yon. Bakit niya pinaghihintay si Venice? "Our call time is 7:00 and he's supposed to be here." 7:00? Eh halos 8:30 na ah. Hindi na maganda 'to. "Venice, huwag kang aalis diyan, pupuntahan kita." Then I ended the call. And hurriedly went to my tapdown at tinakasan na ang mga bodyguards ko.




There I saw Venice, so alone on the table holding her phone. Malamang hanggang ngayon pilit niya pa ring tinatawagan ang magaling kong kapatid. Hinihintay niya pa rin ito. "Venice." Sa di'ko malamang dahilan bigla na lang niya'kong niyakap ng mahigpit. Kaya niyakap ko na din siya. I've been waiting for this again.



"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin si Bryant, hindi naman siya dating ganito. He's always on time. I wonder what happen." Alalang sabi ni Venice.



"Gago talaga ang kapatid kong 'yon." Halos pabulong na sabi ko. Siya na nga ang hindi dumating sa oras, siya pa ang inaalala ni Venice. Tss! "Bakit mo pa kasi siya hinihintay? Dapat nung isang minutong late siya, iniwan mo na." Inis na sabi ko.



"I can't do that. Kahit anong mangyari hihintayin ko pa rin siya." It hurts knowing na kahit anong mangyari kahit gaano katagal ay hihintayin niya pa rin si Bryant. Alam ko naman hanggang ngayon hindi pa rin siya nililigawan ni Bryant. Pero kung makaasta sila parang sila na. Alam ko naman na kaya ayaw ligawan ni Bryant si Venice ay dahil sakin kahit obvious na gusto niya din ito.




Mga bata pa lang kami gusto ko na si Venice. Kaso mas malapit talaga sila ng kapatid ko. Although malapit din naman kami pero kakaiba ang closeness nilang dalawa. Habang tumatagal alam kong may lihim na pagtingin si Venice sa kapatid ko pero nagbulag bulagan ako. Isa 'yong dahilan kung bakit asar ako kay Bryant. At kahit alam kong gusto ni Venice si Bryant ay niligawan ko pa din siya. And luckily sinagot naman niya'ko.



On our 6 months relationship masaya naman kami, o ako lang talaga ang masaya? Hindi ko ramdam na masaya siya sa'kin, dahil mas masaya siya kapag kasama si Bryant. Hanggang dumating ang araw na iniwan niya'ko sa di niya maipaliwanag na paraan. Hindi nako nagtanong dahil alam ko na din naman ang kasagutan. Hindi ko matanggap 'yon kaya ilang months din na nagpanggap akong kami pa kahit hindi na. Ginagawa ko pa rin ang dati kong ginagawa sa kanya nung kami pa. Sinusundo ko siya at inihahatid sa bahay at niyayayang mag date. Nung una pumapayag pa siya pero kalaunan tila nagsawa na siya. Then one day nalaman ko na lang na lumalabas na pala sila ni Bryant. Gustong gusto kong suntukin si Bryant. Pero hindi ko magawa dahil alam ko magagalit si Venice at sa bandang huli ako pa rin ang may kasalanan.




My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon