Chapter 11 -- The Devil And The Angel

362 6 0
                                    

 

CHAPTER 11 -- THE DEVIL AND THE ANGEL



Unti-unti nang nagigising ang diwa ni Helaena mula sa pagkaka tulog. Napapangiti siya dahil alam niyang yakap-yakap na naman niya ang kanyang favorite unan. Ang pinagtataka lang niya ay kung bakit parang medyo tumigas ang kanyang kama. At parang hindi ganun kalambot ang kanyang unan.



Hinawak-hawakan niya yung bagay na niyayakap niya. Parang matigas na mabango. Inaamoy-amoy niya pa. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Ang gwapong devil na si Brylle ang kanyang niyayakap at nakayakap din ito sa kanya. Bigla ring nagmulat ng mata si Brylle.



"Good morning." Nakangiting sabi ni Brylle nito kay Helaena.




"Aahhh..." Sigaw ni Helaena sabay tulak kay Brylle at tinakpan niya ng comforter ang kanyang katawan. As if naman nakahubad siya.



"Aray ko naman. Bakit kaba nanunulak?" Pupungas-pungas na tanong ni Brylle.



"A-anong ginagawa mo dito? Dito-- sa--sa tabi ko? Huh?"



"Bulag kaba? Edi natutulog."



"Bakit ka napunta sa tabi ko? Eh natutulog ka sa kama mo."



"Hinatak mo yung bedsheet ko kagabi dahilan para mahulog ako sa tabi mo. Ginigising kita eh tulog mantika ka pala, ayaw mong magising. Kaya natulog na lang ako dito."




"Hindi ako naniniwala sa'yo. Pano kung--kung may--may ginawa kang masama sa'kin?"



Natawa si Brylle sa narinig. "Pwede ba huwag kang magpatawa. Hindi kita type. Hindi ka ganun kaganda para magustuhan ko. Wala ka nga sa kalingkingan ng mga naging ex girlfriends ko. At isa pa ayoko sa mega phone na tulad mo."



"Ano? Ako? Megaphone? Hoy, ang kapal talaga ng mukha mo. Mas lalo namang ayoko sa isang devil na gwapong------" Natigilan si Helaena sa pagsasalita dahil  napangiti si Brylle.




"I knew it. Alam ko namang na ga-gwapuhan ka sakin. Alam ko namang noon pa may gusto ka din sakin, nag de-deny ka lang and now you're complimenting me."



"Hindi ganun yon." Napakamot tuloy si Helaena. Kasi naman Helaena masyado kang madaldal at tuloy-tuloy. Ayan nadulas ka tuloy. Eh kasi naman gwapo nga siya, kaso ugaling devil naman. Sambit ng utak niya tsaka siya nag pout.



Tumayo na si Brylle na nakangiti pa din. Hanggang ngayon wala pa rin siyang suot na tshirt, kaya hindi parin makatingin ng diretso sa kanya si Helaena.



"Hoy, Samaniego, pwede ba huwag mong i-display dito ang katawan mo. Di bale sana kung maganda, kaso hindi naman. Sorry Papa Jesus for lying. He has a definitely a good body."




"You're really a good liar. See, you're blushing. Ibig sabihin maganda talaga ang katawan ko."



Engot talaga nito. Anong connect ng pag b-blush sa pagkakaron niya ng magandang katawan. Haist! Sambit na naman ng utak ni Helaena. "I said get dress." Binato niya yung unan sa natatawang si Brylle.



-----

BRYANT'S POV



Pagkatapos kong mag breakfast ay agad ko ng tinungo ang daan papunta sa garahe. Late na kasi ako nagising at baka ma late pa'ko sa pasok. Nasa sala pa lang ako nang makita ko si Manang Fe na may dalang naka hanger na damit pambabae. Nagtaka ako kaya linapitan ko siya at tinanong.



My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon