Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I

214 6 0
                                    




AN: This chapter and the next chapter (Chapter 20) are inspired by the songs of DRIVE ME TO JULIET. Kindly check them out on Youtube. You won't regret, swear!

Let's get into the real thing.

____

Chapter 19 – A Dark Masquerade Ball Part I


Pagkatapos dalhin ni Brylle si Helaena sa isang Salon ay dinala naman niya ito sa isang boutique, kung saan siya mismo ang pumili ng gown na susuotin nito.


Paglabas ng fitting room ni Helaena. "What do you think?" Tanong nito sa kanyang sinukat na gown. Pang sampung gown na ata to ni Helaena, wala pa ring nagugustuhan itong si Brylle.


Napatigil sa paglalaro sa kanyang cellphone si Brylle nang makita si Helaena, bigla din siyang napatayo at napatitig dito.

Helaena is wearing a red gown exposing her back, hanggang legs ang haba nang sa harapan at long gown naman ang sa likuran.



Her make-up, smokey glittery eyes and dark red lipstick to match on her red gown. And her hair is curly, a big curl that added an extra volume.


"Kung iinsultuhin mo lang ako sa suot ko, better shut up okay?" Inis na sabi ni Helaena.


"You look...gorgeous." Umiwas siya ng tingin kay Helaena. "Uhm...I mean, the gown is gorgeous, buti na lang at bumagay siya sayo, dahil ayokong mapahiya sa ball." Lumapit siya kay Helaena.


"Kung ayaw mong mapahiya sa Ball edi pumunta ka mag isa mo. Humanap ka ng iba mong date. Tss!" Pasigaw na sabi ni Helaena tsaka siya nagmadaling naglakad palabas ng shop.


"Helaena." Tawag ni Brylle pero hindi siya nito pinansin.


Nakalabas na ng tuluyan sa shop si Helaena. "Akala mo kung sinong gwapo sa suot niya. Mukha naming waiter." Pag step niya sa 1st stair ng 5 stairs ng shop ay aksidenteng nahubad ang suot niyang red stilleto. "Ayh siopao!" Bulalas nito. "Kung kailan nagmamadali o." Pagbaling niya para sana kunin ang stilleto niya ay hawak na ni Brylle na nakatayo sa may stairs.


Napatingin sila sa mata ng isa't-isa. Hanggang sa palapit na ng palapit si Brylle kay Helaena. Lumuhod ito at handang ipasuot kay Helaena ang stilleto nito.


Hindi tuloy alam ni Helaena ang mararamdaman niya. Here goes her abnormal heart beat again. Napa hawak tuloy siya sa kanyang chest. "You—you stand up, jerk! I ain't no Cinderella and I don't have plans to be her."


Napatayo si Brylle sa mga sinabi ni Helaena. "Don't worry, wala din naman akong planong maging Prince Charming mo." Tsaka niya binigay ang stilleto nito. "Sampung Segundo. Kapag wala ka pa sa loob ng kotse sa loob ng sampung Segundo, hindi lang yang sapatos mo ang huhubarin ko." Seryosong banta nito, tsaka na siya naglakad papunta sa kotse.

"A—anong sabi mo? Ten seconds?" Kinakabahang sabi ni Helaena. Nagmadali siyang suotin ang kanyang sapatos. "Hoy, Brylle Lauren Samaniego, hindi mo pwedeng gawin sakin 'yon." Nagmadali na siyang nagtungo sa loob ng kotse kung saan nandon si Brylle.


"3, 2, 1." Pagbibilang ni Brylle. "Pasalamat ka naka abot ka. Sa susunod, limang Segundo na lang ang ibibigay ko sayo." Seryoso paring sabi nito.


"Asshole! Wala ng susunod." Inis na sabi ni Helaena tsaka niya inirapan si Brylle at tumingin na lang sa view sa bintana.



HELAENA'S POV

Wala parin kaming imikan ni Brylle sa loob ng kotse. Ayaw ko nga siyang kausapin, dahil kapag nag usap kami tiyak kong puro away lang ang gagawin namin at hindi naman talaga usap.


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now