Chapter 33

17 3 0
                                    

Habang nakahiga sa sun lounger at sinasalubong ang init ng araw, iminulat ko ang mga mata ko at saktong nahagip ng paningin ko ang isang ibong lumilipad.


Tipid ako napangiti. I really like birds, because birds symbolize freedom. Malayang nagagawa ang lahat. Lumilipad at parang walang problemang iniinda.


Minsan nga hinihiling ko sana magandang ibon na lang ako. Palipad lipad at sumasabay sa agos ng hangin. Malayang nagagawa ang lahat. And I'm thinking of, pink cute figure of a bird.


That's awesome, right?


Napaupo ako nang marinig ang yapak ni Alloy na malapit sakin. Tinanggal ko ang shades ko at saktong nagtama ang tingin namin.


May hawak siyang hose na nagdidilig sa magagandang pink santan na pumapaligid sa pool. Tumaas ang kilay niya at umiwas ng tingin.


Napairap naman ako at kinuha ang robe ko sa gilid. I'm wearing a pink swimsuit nga pala. Inis kong tinali ang robe ko at taas noong naglakad sa gilid ng pool at naupo.


Nilublob ko ang paa ko sa pool at nilaro-laro ito. Sabado ngayon at mamayang gabi ay mags-sleep over sila Pat at Pia dito. Hindi rin ako pumasok kahapon dahil masama ang pakiramdam ko dahil na rin sa nangyaring gulo nung Thursday.


"O-okay ka na ba?" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Alloy.



I gulped and looked at him. He's wearing a red shirt and just his denim ripped shorts. Yung suot niyang short nung first meet namin.



Sumimangot ako at nagpatuloy sa paglaro-laro ng paa ko sa pool. "At bakit naman hindi ako okay?" walang ganang tanong ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ng mala dyosa kong ganda sa pool.


"K-kasi sabi ni Nang Soleng, n-nagkasakit ka daw kaya hindi ka pumasok kahapon." sagot niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatitig siya sakin kaya napataas ang isang kilay ko.


Napatikhim siya at inayos ang T-shirt habang pinipilig ang ulo. "A-ano, okay ka na nga? Pumunta ako dito kahapon pagtapos ng klase ko pero hindi ako pinapasok ni Madame Celestina."


"Nag-alala ka?" I asked as my heartbeat begin to beat in an abnormal way. He turned his back, I smiled.



"M-malamang. Magkaibigan tayo diba? T-tsaka, " tumikhim siya at kunot-noong nilingon ako. Nakangisi ko siyang tiningnan. "Bodyguard mo ko, dapat alam ko kung anong nangyayari sayo! Malalagot ako kay Ser William pag nagkataon!" singhal niya habang namumula.




Mahina akong natawa. "Were friends? Hindi ko yata alam yon." Friendzone pa ko. Ouch.



Natahimik siya kaya napatikhim ako. "I don't want to befriend you, Alloy.  Just please, do your job as my slave." sabi ko habang nakatingin sa kawalan.



Nanghihinayang ako. Ang turing lang sakin ni Alloy, isang kaibigan, boss niya. Sa ginagawa kong toh, lalo ko lang hinuhulog ang sarili ko sa kanya.


Tumayo na ko at tinalikuran siya. Natigilan siya sa sinabi ko pero ito naman ang gusto niya diba? Ang tigilan ko siya. At tsaka, I told him that I don't like him anymore---yeah that's definitely true. Pero ang sabi ko, wala na nga akong gusto sa kanya dahil iba na ang tingin ko sa kanya.


Hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko.


Matapos makapagbihis ng only pink crop top and white denim shorts, ay ibinabad ko na lang ang sarili sa paglalaptop. It's 2:12 in the afternoon nang makaramdam ako ng gutom, hindi pa ko nakakapagtanghalian kaya tumayo na ko para sana bumaba nang may biglang kumatok sa pintuan ko.


When Reality Strikes ( Completed )Where stories live. Discover now