Chapter 51

30 4 0
                                    


"Jiezel, I'm obsessed with you..."


Napasinghap ako at dahan-dahang napangiwi. Kinuha ko ang isang painting na nakaswimsuit ako at nakalublob sa pool. Nakasandal sa gilid ng pool habang umiinom ng apple juice.


Nangyari toh eh. Ito yung first day niya sa paghahardinero sa mansion eh. I remembered, nag-uusap kami non habang nakasandal ako sa gilid ng pool. Hinayupak, ito talagang pose na toh.

I stood up and showed him his realistic painting. "I don't know na may pagkamanyak ka pala, Alloy. Wow, gayang-gaya mo yung design ng bikini top ko ah, at wow! Ang kinis ng leeg ko rito ah?" I gritted my teeth while giving glares at his painting. Damn it, nag-iinit ang pisngi ko.

"M-maganda k-ka naman dyan eh... Oh, prinsesa ang sexy mo nga eh..." napapikit na lang ako sa inis.

"Alloy!" sigaw ko sa sobrang inis at dinuro siya. Napamaang naman siya at ngumiti na parang nanglalambing.

"Obsessed ka sakin! You are a stalker, Alloy. Do you know that...i-it's creepy? Y-your creepy, dear." pahina ng pahinang sabi ko at nagbaba ng tingin sa mga painting ni Alloy na puro ako.

May isang painting na inaamoy ko ang kumpol ng pink santan. Nakangiti ako sa bulaklak at ang background nito ay napapaligiran ako ng mga pink santan. I'm wearing pink long dress here na nililipad katulad ng buhok kong may pink highlights ang dulo.

Ang ganda ganda ko sa painting. Para kong isang dyosa.


"T-tinakot ba kita? S-sorry na, senyorita. Oo, obsessed ako sayo. Iniistalk kita. Gustong gusto kita noon pa mang mga bata pa tayo. Jiezel, ikaw yung babaeng pinapangarap ko. Ang babaeng tumanggap sakin. Ang babaeng nagbibigay ng inspirasyon sakin para lumaban at mangarap. Ang babaeng bumubuo sa pagkatao ko. Ang babaeng pinakamamahal ko."

I stared at him as my chest hammered. Marahan ang bawat salita niya at namumungay ang mga mata. Umawang ang bibig ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya.


"Alam mo ba, nung namatay ang mommy mo, kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang lungkot mo at kumikirot ang puso ko. Jiezel, n-noong huli tayong nagkausap sa libing ng mommy mo, nandun lang ako at gusto kang yakapin dahil hindi ko kayang makita ang pagdadalamhati mo. Nasasaktan akong makita kang ganon pero alam mo yung mas masakit? Yung pinagtabuyan mo ko. Yung tinapos mo ang pagkakaibigan natin."

Tears welled up in my eyes as I remembered again the things I had forgotten. He gasped and stared at me.

I gulped and averted my gaze. I can't look at his eyes, it pains me to see him staring at me with those expressive eyes with forlorn and sadness. Those familiar emotions of his eyes, his eyes when I ended our friendship.


"Ang sakit sakit ng puso ko nung mga araw na yon. Parang nawala yung liwanag sa mundo ko. Ikaw kasi yung laging nagpapagaan sa loob ko. Tuwing malungkot ako, pinanghihinaan ng loob, at nag-iisa. Lagi kang sumusulpot sa tabi ko. Kaya bakit... bakit... Lagi kong tinatanong noon, bakit Jiezel? Bakit imbes na yakapin mo ko, imbes na iiyak at sabihin mo lahat ng sakit na nararamdaman mo, bakit pinagtutulakan mo ko palayo?"

"Jiezel, hindi ba ko worth it para sabihan mo ng nararamdaman mo? Jiezel, hindi ko ba kayang pagaanin ang loob mo katulad ng pagpapagaan mo ng kalooban ko? Wala ba kong kwenta para sayo? Gustong-gusto kong manatili sa tabi mo, makinig sa mga nararamdaman mo at yakapin ka? Pero mas ginusto mong ipagtulakan ako at sabihin saking magkalimutan na tayo. Alam mo ba kung gaano kasakit yon?"

When Reality Strikes ( Completed )Where stories live. Discover now