Chapter 39

30 3 0
                                    

Sa pinakadulo ng Village, sa harap ng isang maliit na puno, nakatayo doon ang batang babaeng napakainosente habang yakap yakap ang kanyang pink na teddy bear.

Nagpapalinga-linga siya sa tahimik na paligid na animong may hinahanap. "Alloy?" mahinang usal ng batang babae habang kunot-noong hinahanap sa paligid ang kaibigan.


"Waaa!" sigaw ng batang lalaki na lumabas mula sa likod ng punong kanina niya pa pinagtataguan. Napapitlag naman sa gulat ang batang babae at nasapo ang kanyang dibdib.

"You shock me!" maarteng bulyaw ng batang babae at napataas ang kilay. The boy grinned and grabbed the wrist of the girl then pulled her closer to the back of the tree and together they sat on the bermudagrass.

"Akala ko hindi ka na darating, antagal mo kaya." nakanguso at nagtatampong usal ni Alloy sa kaibigan at kinuha ang luma niyang backpack sa gilid.


Nakakalokong ngumisi ang batang babae. "At least diba, natakasan ko sila Kuyang guard! I'm so awesome!" natutuwang usal ng batang babae habang bumubungisngis.


"Dahil awesome ka, ito ang award mo, prinsesa!" nakangisi ring sambit ni Alloy at inabutan ang batang babae ng plastic cup na may tapik.


The girl's beautiful brown eyes widened and she immediately accepted what her friend was offering her.


"Waaa! Taho ba toh? And yieee, Alloy I love the cup. Its color pink." kinikilig na usal ng batang babae at masayang binuksan ang takip ng baso at tumikim ng taho.



Habang si Alloy naman ay nakangiti lang na pinagmamasdan ang masayang kaibigan na sarap na sarap sa pagkain ng taho.


"Wala kang taho?" inosenteng tanong ng batang babae nang makita si Alloy na nakatingin lang sa kanya. "Oh, share na lang tayo, Alloy. Mommy told me that sharing is caring and ikaw naman bumili nito eh." sabi ng batang babae at inabot sa kaibigang katabi ang baso ng taho na may kalahati pang laman.


Ngumiti sa kanya si Alloy. "Makakapag-aral na ulit ako, Jiezel. Nakabawi na si Chang Asol sa mga utang at may nahanap na rin siyang trabaho." masayang kuwento ni Alloy.


Ngumiti rin si Jiezel at hinawi ang buhok ni Alloy na tumatabing sa mga mata nito.


"I'm happy for you, Alloy. Thank God at nakakabangon na uli kayo." nakangiting usal ni Jiezel.


"Pero sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kay Tatay at Nanay, Jiezel. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para pag dumating ang araw na isa na kong attorney, malilinis ko ang pangalan ni nanay at mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni tatay." mahinang usal ni Alloy habang nakatingin sa kawalan.


Nalulungkot ang batang si Jiezel sa sinapit ng kaibigan. Alam niyang namatay na ang tatay at nanay nito dalawang taon na ang nakakaraan.


Sumandal na lang ang batang si Jiezel sa balikat ng batang si Alloy. Kung titingnan sa malayo, mapapansin ang kaibahan ng dalawa.


Si Jiezel na sumisigaw ng karangyaan at si Alloy na makikitang naghihirap sa buhay. Pero sa kabila ng estado nila sa buhay, walang makakapigil sa pagiging magkaibigan nila.



"Prinsesa, gusto mong turuan kitang umakyat ng puno?" usal ni Alloy na ngumiti na at nilingon si Jiezel na unti-unti nang napapangisi.


"Tuturuan mo na ko? Hmp. Baka nagjojoke ka lang." nakasimangot na usal nito. Ngumisi si Alloy habang hinahabol ang tingin ng kaibigan.



"Oo nga, tuturuan kita. Pero kung ayaw mo, sige bala ka." kunwaring usal ni Alloy at tumayo na at kinuha ang backpack niyang may papel at lapis sa loob. Napatayo agad si Jiezel hawak pa rin ang baso na may taho.


When Reality Strikes ( Completed )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant