Chapter 23

19 3 0
                                    


Halos madurog na ang kanin at manok na kinakain ko sa sobrang gigil ko kay Alloy. That freaking commoner. Damn! Ang kapal-kapal ng mukha niya!


Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at may bed tray table sa harapan ko na pinapatungan ng tanghalian ko. Matapos akong ireject ni Alloy, nahiya akong lumabas at magpakita sa kanya.


Argh! That freaking handsome poor commoner just rejected me! Damn it! Hindi ko matanggap.



Muli kong naalala ang kalapastanganan ni Alloy na nireject ang isang magandang dyosang prinsesang tulad ko.



"I like you, Alloy Gueverra. I like you so much and do anything about it." I said in a matter of fact tone and again, I gave him another peck kiss.



Napapikit ako at dinama ang mga labi niya nang bigla niya kong nilayo sa kanya. Hawak niya ng mahigpit ang mga balikat ko at galit akong tiningnan.


"Jiezel, ano ba tong ginagawa mo! Tumigil ka na! Hindi na toh nakakatawa." mariin at sinisikap niyang wag sumigaw ng malakas dahil baka may makarinig samin.



Nagulat ako sa galit niyang mga mata. Don't tell me, w-walang epekto? Sabagay, kung may epekto nga naman, edi sana, he kissed me back pero hindi.


Nakunot ang noo ko at winakli ang mga kamay niya sa balikat ko. Masama ang tingin niya sakin.


"Sa tingin mo pinagtitripan kita? Alloy, I said I like you! That's the truth. I'm confessing my feelings for you." singhal ko at inirapan siya saka ko hinawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa pisngi ko.



"Ako? Gusto mo?" natatawa kunyaring usal niya at hindi makapaniwalang umiling sakin. "Hindi ka magkakagusto sakin, Jiezel. Lagi mong sinasabing hindi ka magkakagusto sakin. Na hindi ka papatol sakin. Kaya ano yang sinasabi mo?" inis na singhal niya pero may sakit akong nakikita sa mga mata niya.


I gasped to find words. I averted my eyes. Hindi ko kayang sabayan ang titig niyang nagpapalambot ng mga tuhod ko.


"Y-yun na nga, Alloy eh! You did something to me kaya nagkakaganito ako. Actually, it's all your fault. Damn it! Hindi talaga ako papatol sayo! Hinding-hindi! Pero shit, shit this feeling, Alloy! Kinain ko ang mga salita ko! At kasalanan mo yon dahil pinaramdam mo sakin ang kakaibang pakiramdam na toh!" bulyaw ko sa kanya na sapat lang para marinig namin.


"Sige! Kasalanan ko. Dahil lagi akong lumalapit sayo pero Jiezel, hindi ka naman talaga yata nasisiraan diba? You can't like me. Kaya itigil mo na toh." nag-aalalang usal niya at napailing saka nagulo ang buhok.


"No! Gusto kita..." tanging nasabi ko sa panghihina.



"At wala akong gusto sayo!" bulyaw niya na nagpaatras sakin. Suminghap siya at napatingin sa paligid. "Jiezel, wala akong gusto sayo. Hindi ba't sinabi ko na yan sayo noon?" nahihiyang usal niya at tinitigan ako sa mga mata.


Bumagsak ang dalawang balikat ko at nagbaba ng tingin. "I-I don't care. G-gusto talaga kita..." nasasaktang usal ko. My heart is aching and damn Alloy for making me feel heart broken.



"Hindi. Mali toh. Mali yang nararamdaman mo. Hindi mo ko gusto. Hindi mo ko magugustuhan. Hindi ako mapapansin ng isang tulad mo. Hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko." padiin ng padiin ang bawat salitang binibitawan niya na may halong sakit sa tono.


Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano namang alam mo sa nararamdaman ko?" kunot noong singhal ko at bahagya siyang tinulak sa sobrang inis.



When Reality Strikes ( Completed )Where stories live. Discover now