Chapter 10

4.7K 192 26
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 10

Zouie's POV

Ramdam ko ang pangingirot ng ulo ko at pati na rin ang buo kong katawan.

Unti-unti kong minulat ang aking mata at nagulat ako na ang unang bumungad sa akin ay isang puting kisame.

Tangina! Nasaan ako? Nasa heaven na ba ako?

Pero malabong mapunta ako sa heaven dahil hindi naman ako mabait.

Slight lang.

Inilibot ko ang aking tingin at napagtanto kong wala ako sa heaven kundi nasa clinic ako. Kaya pala puti ang bumungad sa akin.

Unti-unti akong bumangon dahil nagtataka ako kung bakit ako nasa clinic.

Napahawak ako sa ulo ko at nahawakan kong may benda ang ulo ko. Nung una ay nagtaka ako kung bakit may benda ako pero unti-unti kong naalala na nakaface to face ko pala ang pader.

"You're awake."

Napaigtad ako sa gulat dahil may biglang nagsalita sa gilid ko at nang lingunin ko ito ay isang napakagwapong nilalang. Meron siyang brown eyes at brown hair na mas nagpagwapo sa kanya.

"I know that I'm handsome but you don't need to stare. Just take a picture of me and it'll last longer." sabi niya kaya napairap na lang ako.

Napakahangin naman.

"Ang lakas naman ng aircon dito. Ang lakas ng hangin e." sabi ko at narinig ko namang natawa siya.

"I'm just saying the truth." nakangiti niyang sabi.

Napaingos naman ako dahil sa kahanginan niya. Oo, totoong gwapo siya pero hindi niya na kailangang sabihin pa iyon.

"Are you okay?" biglang tanong niya kaya medyo nagulat pa rin ako.

Feeling close rin ang peg ni kuya 'no. Di ko pa nga alam ang pangalan niya.

Pero kahit feeling close siya ay sinagot ko pa rin.

"Ayus lang ako." simpleng sagot ko at napatango tango naman siya.

"Sino nga pala ang nagdala sa akin dito?" tanong ko at napaisip naman siya.

"I think, si Kalix. Alam mo bang alalang-alala siya sayo habang buhat ka niya kanina?" tanong niya.

Nag-alala sa akin ni KN?

"Hindi. E wala akong malay nun e." pabalang kong sagot at natawa naman siya.

Natawa siya sa kabobohan niya.

"Oh, I forgot. I'm Kurt Drin by the way. Just call me Kurt or Drin." sabi niya habang nakangiti.

Sana all charming smile.

"Zouie Raine. Zouie na lang." pakilala ko at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon