Chapter 7

4.8K 191 29
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 7

Zouie's POV

Medyo paika-ika pa ako sa paglakad dahil sa natamo kong sugat pero hindi na siya tulad kahapon na talagang hindi ko masyadong magalaw.

"Okay ka na ba? Masakit pa ba?" agad na bungad sa akin ni Ysa nang makita niya akong lumabas mula sa aking kwarto.

Ngumiti naman ako sa kanya at sinabing okay lang ako. Agad naman niya akong inalalayan paupo kahit na sinabi kong hindi ko na iyon kailangan. Siya na rin ang naghanda ng pagkain namin.

"Umalis ka na lang kaya sa section na yun? Pwede ka naman atang magpalipat e." nag-aalala niyang sabi sa akin pero umiling na lamang ako.

"Ayus lang ako. Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko naman sila e. Ako pa ba." pagmamayabang ko pero inirapan niya lang ako.

"Kaya mo pero ano yang tawag mo diyan sa sugat mo sa tuhod?" sarkastikong sabi niya.

Napanguso na lamang ako dahil sa kanyang sinabi dahil medyo may point siya sa sinabi niya sa akin.

"O siya! Bilisan mo na diyan at papasok na tayo." sabi niya at binilisan ko namang kumain.

Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas pero malapit pa lang kami sa gate ng biglang sabihin niyang may naiwan siya at kailangan niya raw itong balikan.

"Mauna ka na, Zouie! Babalikan ko lang iyong naiwan ko." sabi niya at tumango naman ako.

"Okay lang. Mag-ingat ka ah!" sabi ko at nahthumbs up naman siya at tumakbo na papuntang dorm namin.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad pero bigla na lang may nakabunggo sa akin kaya medyo naout of balance pa ako pero buti nasalo ako ng nakabungguan ko.

"I'm sorry, Miss. Are you okay?"

Inalalayan naman niya akong tumayo ng maayos at nagulat ako na bumungad sa akin ang isang napakagwapong lalaki.

"Hey miss, I know that I'm handsome pero huwag mo naman akong titigan ng ganiyan at baka matunaw ako." sabi niya habang nakangiti at lumabas ang dimple niya.

Sana all may dimple.

Umiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya. Ang taas din kasi ng confidence niya pero totoo naman kasi na gwapo siya.

Napatingin naman siya sa I.D. ko at bigla na lamang siyang ngumiti.

"Section októ ka pala? Transferee?" tanong niya at kahit medyo naguguluhan ay tumango naman ako.

"I'm Kalix Nero by the way. Just call me KN." nakangiti niyang sabi at tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay at nagpakilala rin.

"Zouie Raine. Zouie na lang." sabi ko at tumango naman siya.

"We're the same section by the way kaya sabay na tayo!" masigla niyang sabi at agad akong hinila pero napatigil siya ng mapaigik ako sa sakit.

Kunot noo naman niya akong binalingan at sumunod naman ay ang aking tuhod ang kanyang tinignan.

"What happened to your knee?" takang tanong niya.

"Nasugat. Tinisod kasi ako ng Hudas na Hance na iyon." sabi ko at napailing naman siya.

"Pagpasensiyahan mo na iyon. Talagang ganoon ang ugali niya." sabi niya at inalalayan akong maglakad.

"Bakit ba kasi ganoon na lang ang galit niya sa mga new transferee?" bigla kong tanong pero bigla na lamang siyang sumeryoso at napatiim bagang pa. Nakita ko naman ang nakakuyom niyang kamao at medyo kinabahan ako doon.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang bumalik sa dati at nagpilit ng ngiti.

"Hayaan mo na iyon. Ayoko ng balikan pa." sabi niya at hindi na ako tinignan.

Tinikom ko na lamang ang bibig ko dahil feeling ko ay ayaw niyang magkwento. Siguro ganun talaga kagrabe ang nangyari sa kanila.

Nakarating kami agad sa loob ng room at nakita kong nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.

Napatingin ako kay Hudas na may black eye kaya iniwasan kong hindi matawa dahil alam kong ako ang may gawa niyan at may katabi rin siya na ngayon ko lang din nakita. Ang sama din ng tingin niya sa akin pero tinaasan ko lamang siya ng kilay.

Hindi ko naman siya kilala pero sobrang sama ng tingin sa akin.

"Huwag mo na silang pansinin." bulong sa akin ni KN at tumango naman ako.

Agad naman akong naupo sa upuan ko at umupo naman siya sa kabila ko. Pero hindi pa siya nagtatagal umupo ay lumabas siya.

"May kukunin lang ako." paalam niya sa akin. Nagulat na lamang ako sa pagpapaalam niya kasi hindi niya na kailangang magpaalam sa akin 'no.

Habang abala ako sa pag-iisip ay bigla ko na lamang narinig ang mga bulungan sa paligid ko.

"Nakahanap na naman si KN ng bagong kaibigan."

"Masasaktan na naman iyan panigurado."

"Hindi na nadala."

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga bulungan nila at nagfocus na lamang ako sa harap.

Hindi nagtagal ay may naramdaman akong bumato sa akin ng papel pero binalewala ko ito nung una pero nagsunod sunod na ito.

Nang lingunin ko sila ay kunyari ay abala sila sa pagkwekwentuhan pero kapag tatalikod na ako ay bigla nila akong babatuhin.

At dahil sa inis ko ay itinulak ko ng malakas ang upuan ko at tumayo at nameywang sa kanila.

"Ano bang problema niyo? Kanina pa kayo ah!" inis kong sabi at inosente nila namang akong tinignan.

"Anong problema mo? Pinagsasabi mo diyan?"

"Nambibintang ka ah! Alam mo bang bad iyon?"

"Bahala ka diyan. Hindi ka tatanggapin sa taas dahil bad ka!"

Sabi nila at nainis naman ako.

"E kayo nga ang hindi makakapunta sa taas dahil sa mga ugali niyo. Nambabato nga kayo sa akin." inis kong sabi at tumawa naman sila.

"Huwag kang mambintang, Zouie. Hindi mo naman nakita at wala kang proweba." pangi-ngising sabi ng isang lalaki na kulay brown ang buhok.

"Sa ating lahat, ikaw ang hindi makakapunta sa langit dahil nambibintang ka." sabi nung isang lalaki na may pulang buhok.

Sasagutin ko na sana sila pero sakto namang pagpasok ni KN. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin dahil nakatayo ako.

"Bakit nakatayo ka diyan?" takang tanong niya at nilingon ko naman ang mga depungal kong kaklase pero nagsi-iwasan naman sila ng tingin.

Nilingon ko naman si KN at nagpilit ng ngiti.

"Wala lang. May mga pakalat-kalat lang kasing mga dugyot na langaw."

Talagang idiniin ko pa ang salitang dugyot na langaw kaya sinamaan ako ng tingin ng mga kaklase ko.

Nginisian ko naman sila at dinilaan.

Mga bwisit kasi.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon